in

Robert Ortega ikinalungkot ang biglaang pamamaalam ng batchmate sa That’s Entertainment na si Romano Vasquez

Maraming celebrities ang nagdadalamhati ngayon dahil sa biglaang pamamaalam ng That’s Entertainment star na si Romano Vasquez.

Kabilang sa Friday group ng That’s Entertainment si Vasquez. Kasabayan niya sa noo’y sikat na youth-oriented program na itinatag ni German Moreno ay si Robert Ortega.

Kasama rin sina Sharmaine Arnaiz, Tita Paner, Jaypee de Guzman, Shirley Fuentes, at marami pang iba. At lahat sila ay nalungkot sa biglaang pagpan4w ni Vasquez.

Sa panayam ng PEP.ph, kinwento ni Ortega na naging malapit sila ni Vasquez noon sa isa’t isa, aniya, “Medyo troubled siya pero harmless naman.”

Hanggang sa nawalan na sila ng communication at nalaman na lang niya na into direct selling na si Vasquez. Sinisilip pa nga daw niya paminsan minsan ang YouTube channel nito.

Sa pagkakataong iyon, inamin ni Ortega na kinilabutan siya sa isang music video na mismong si Vasquez ang nag-cover at nagdirek.

Awitin iyon ng bandang Lapis na pinamagatang Kabilang Buhay na in-upload ni Vasquez noong Janury 24, 2021.

Ang MTV nito ay kinunan sa Loyola Memorial Park sa Marikina. Makatindig-balahibo umano kung ilarawan ng Konsehal ng Maynila ang music video na ‘yon.

Hindi niya daw malaman kung ano ang nais ipahiwatig ni Vasquez sa mga kantang kino-cover niya sa kanyang YouTube chanel.

Sa kabilang banda saad ni Ortega, labis umano ikinalungkot ng Friday group ang pagkawala ni Vasquez.

“Nalungkot kami ng Friday group dahil kapatid din namin ‘yan”

Neil Arce, proud sa asawang si Angel Locsin kahit 5 araw itong hindi maligo

Ellen Adarna, ginulat ang lahat nang sagutin nito ang comment tungkol sa Pre-Nup agreement sa estado nila ni Derek