in

Barbie Imperial tinanggal sa GirlTrends dahil umano sa klase ng pagsasayaw nito

Diretsahang inamin ni Barbie Imperial ang naging dahilang kung bakit nga ba siya tinanggal sa grupong GirlTrends.

Isa si Barbie sa mga hurado ng ‘S3xy Babe’ segment sa ‘It’s Showtime’, at doon sinabi ni Ruffa na excited daw ang Kapamilya actress na sumayaw sa Sabado.

Pero hirit ni Barbie, wala naman daw siyang talent sa pagsayaw.

“Kaya nga po ako natanggal sa GirlTrends kasi hindi po ako magaling sumayaw,” sey ng aktres.

Biro naman ni Vice, “Ay okay lang, mag-isa ka na lang ngayon. Huwag kang mag-alala kung natanggal ka sa GirlTrends dahil hindi ka magaling sumayaw, sila din naman natanggal lahat. Charot! Love natin ang GirlTrends. Family natin ‘yan. Joke joke joke lang”

Hirit uli ni Barbie, “Nag-workshop ako, Ate Vice!”

“Kay Chie (Filomeno). Paturo ka kay Chie. Close ba kayo ni Chie? Ay parang hindi. Nag-away ba kayo? Charot lang,” ang may halong panunuksong dialogue ni Vice.

“Hindi ako ‘yun,” sagot naman agad-agad ni Barbie.

Sa mga nakaraan namang panayam kay Barbie, aminado siya na sobra siyang nalungkot. Noong mga panahon na natanggal siya sa nasabing girl group.

“And honestly, well, before hindi ko siya ma-gets. Kasi parang ang sad ko. Kasi ang saya sa Showtime, alam mo yun? Family talaga.

“Tapos lately ko lang siyang na-realize, ‘Ah, kaya pala ako natanggal kasi may ibang plans.’ So, yun. Happy naman ako about it,” paliwanag ni Barbie.

Kaya naman nang tawagan siya ng Showtime para maging hurado sa nasabing segment. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad na nag-Yes.

Single mom, pahirapan noon makahingi ng sustento sa ama ang anak, lakas loob na pinuhunan ang natitirang 3,500, ngayon ay 3.4 Million na

Neil Arce, proud sa asawang si Angel Locsin kahit 5 araw itong hindi maligo