in , ,

Sa halagang 50K, isang ama pina-WOW ang marami sa naitayong magandang bahay at may aircon pa!

Isa na marahil sa pinaka pinapangarap ng maraming Pilipino ang magkaroon ng sarili nilang bahay.

Ngunit sa panahon ngayon, tila mahirap maabot ang ganitong pangarap dahil sa hirap ng buhay. Hanggang pa pangarap na lang para sa marami ang makapagpatayo ng sarili nilang tahanan.

 

 

May kasabihan nga tayo, basta may solidong pangarap at inspirasyon, walang mahirap sa pag abot ng mga ito.

 

 

 

Gaya na lang ng isang dakilang ama na nagawang makaipon ng 50,000 pesos upang makapagpatayo ng maganda ay maayos na tirahan para sa kanyang pamilya.

 

 

 

Ayon sa post ng isang news reporter na si Russel Simorio, nabilib siya sa dedikasyon ng isang amang nag ngangalang Henry Tugot, asawa ni Rejeen Tugot na mayroong dalawang anak.

 

Sa kagustuhang mabigyan ng magandang tirahan ang pamilya, inipon ni Henry ang mga kinikita sa pa extra extrang trabaho lamang.

 

 

Bukod sa pagiging masinop at madiskarte, marami ang mas lalo pang humanga kay Henry ng malaman na ginawa lang niya mag isa ang naturang bahay sa loob ng dalawmpu’t limang araw.

 

 

Sa kabuuang sukat na 14×16 feet, ang bahay ay may isang kwarto, sala, kusina at mayroon pang terrace.

 

At dahil nga pursigido, naging maganda ang kinalabasan ng kanilang munting tahanan at dinagdagan pa niya ng aircon para sa komportableng pamumuhay ng kanyang pamilya.

 

 
Hindi man kalakihan ang espasyo ng kanilang tahanan, kitang kita naman ang galing at diskarte nito para mapaganda ng husto ang bahay.

Ibinahagi ni Russel ang mga nakakainspire na larawan mula umpisa hanggang sa ito’y magtapos.

Gamit ang mga eleganteng wallpaper sa loob ng bahay at maaliwas na kulay ng pintura sa pang labas nito, hindi mo aakalain na halagang 50K lamang ang nagastos.

Nilagyan din nila ng naggagandahang halaman sa paligid na siya namang nakadagdag sa ganda ng kanilang munting tahanan.

Talaga namang hindi maitatanggi na “work of art” at “made of love”  sa murang halaga ang munting tahanan na ito.

 

 

 

 

Sinasabing bagong asawa ni Jose Manalo, ipinakilala na nya sa opening ng kanilang negosyo

Single mom, pahirapan noon makahingi ng sustento sa ama ang anak, lakas loob na pinuhunan ang natitirang 3,500, ngayon ay 3.4 Million na