in , ,

Misis, in-unfriend si Mister sa FB, ang nakakagulat na dahilan, nag trending!

Sa panahon  ngayon, tila ang lahat ay nasa social media na. Matanda man, lolo at lola, lalo na ng mga kabataan.

 

 

Naging malaking bagay ang mga social media platforms sa pakikipag connect ng mga tao hindi lamang sa family and friends. Maging sa mga kakilala natin sa malayong lugar.

Sa kabilang banda, ang social media ay mayroon rin cons kung tawagin. Sa mga panlolokong nadidiskubre gamit ang platform at sa mga relasyong nasira.

 

Gaya na lang ng isang misis na may narealize sa paggamit ng Facebook at nagawang i-unfriend ang sariling mister.  Kalaunan ay nagkaroon pa rin naman sila ng happy ending.

 

 

Isa si Nicole Joanne Meilat sa mga misis na friend ang kanilang mga mister sa Facebook. Palagi niyang tina-tag siya sa iba’t ibang post ang mister ngunit kalaunan ay medyo nasasaktan na siya kapag hindi nila-like o nagko-comment ang asawa sa kanyang mga post.

 

 

Ang masakit pa para sa kanya, mahilig naman mag react at mag comment ang asawa sa post ng iba ngunit sa kanya ay hindi.

 

You know what hurt my feelings the most, kapag sa post ng iba or sa non-sense na bagay kahit hindi siya nakatag pustahan makikita mo may comment siya #Coolkid. Hahaha!”

 

 

Dito siya nagdecide na i-unfriend na lang ang mister.

“That’s why I decided to unfriend him, kaloka inabot ata ng ilang linggo bago niya narealized d na kami friend! Since then unconsciously I stopped tagging him, I stopped seeing his post and lastly d ko nakikita mga comment niya hahahahaha. Ang gaan sa feelings!

 

 

And narealize ko sobrang unhealthy ng Social Media sa magpartner kailangan scripted dahil alam mong may ibang nakakabasa. Yung tipong pag nag i love you ka, kailangan may mag i love you too. Ganon kastressful haha!”

 

 

Sinubukan ng asawa ni Nicole ang lahat para i accept ulit ng misis ang friend request nito.

Gayunpaman, buo na ang desisyon niya na ipagpatuloy na lang ang ganitong set up nila, at di naman siya nagsisi. Mas pinatibay ng ganitong set up ang kanilang relasyon.

 

 

Nang dahil sa hindi sila connected sa social media, mas naging mahaba at maayos ang mga conversation nila sa loob ng bahay.

“To cut the story short, mas naging intimate yung relationship namin kasi parang may namimiss kami lagi sa isa’t isa kahit magkasama na kami sa iisang bubong.”

 

 

Tila naging kuntento na si Nicole sa magandang relasyon nila ngayon, sinabi nito na hindi na niya muling i-aaccept ang friend request ng mister.

 

 

Effective naman kay Misis. Kaya mo rin ba gawin to sa partner mo?

 

 

 

Estudyante nag selfie, larawan ibinenta online at nabili sa halagang mahigit 1M dolyar

Sinasabing bagong asawa ni Jose Manalo, ipinakilala na nya sa opening ng kanilang negosyo