in ,

Estudyante nag selfie, larawan ibinenta online at nabili sa halagang mahigit 1M dolyar

Naging malaking bahagi na ng buhay natin ang pagseselfie. Lalo na nang mauso ang mga social media platforms.

 

 

Lalo na sa ating mga Pinoy na sobrang hilig sa pagkuha ng mga picture.

Paano kung malalaman mo na maaari ka palang maging isang milyonaro dahil sa selfie mo?

 

 

Gaya na lang ng isang estudyante sa Indonesia na sikat na sikat ngayon matapos maibenta ang kaniyang mga larawan o “selfie” sa nakakalulang halaga na isang milyong dolyar o halos 50 Milyon sa peso.

 

 

Si Sultan Gustaf Al Ghozali, isang Computer Science student ay gaya rin ng ibang kabataang Pinoy na halos araw araw at maya’t maya kung mag selfie.

 

 

Hindi nga lang sa iba’t ibang lugar kung magselfie si  Ghozali kundi sa harap lamang ng kanyang computer.

 

Limang taon na daw niya itong ginagawa. Ang tanging layunin lang sana ay ipunin ang mga ito para gumawa ng isang timelapse video at gamitin sa araw ng kanyang graduation.

 

 

Gayunpaman, napagalaman ni Ghozali ang tungkol sa isang teknolohiyang tinatawag na blockchain kung saan maaaring makipagkalakaran gamit ang NFT trading platform.

 

 

Nagdesisyon ang 22 taong gulang na estyudyante na i-upload ang kaniyang mga selfies sa nasabing platform at pangalanan itong “Ghozali Everyday” .

 

 

Nagbabakasakaling may isang collector na magugustuhan ang kanyang mga selfies at maisama sa kanilang collection.

“I was thinking it might be funny if one of the collectors collected my face.”

 

 

Dagdag pa nito,

“I never thought anybody would want to buy the selfies, which is why I only priced them at US$3.”

 

 

Ngunit sa hindi inaasahang araw, umabot na lang bigla sa halagang US$806 dolyares ang isang selfie picture ni Ghozali o katumbas ng halagang higit sa 41,000 libong piso.

 

Ito ay matapos baguhin ng nasabing NFT trading platform ang mga larawan ni Ghozali upang hindi ito magaya at mapanatiling nag iisa lang ang mga kopya nito.
Isang sikat na celebrity chef ang sinasabing isa sa mga unang nakabili ng selfie ni Ghozali.
Naging daan naman ito upang mas lubos na makilala ang mga larawan ng estudyante dahil ibinahagi ng sikat na chef sa kanyang social media account ang tungkol sa mga ito.
At sa mga sumunod na araw ay mahigit 400 na katao na ang bumili ng mga “expressionless selfie” nito, na umabot na ang kabuang halaga sa mahigit $1 milyong dolyar.
Proud na ibinahagi ni Ghozali sa kanyang social media account kagalakan kahit na labis ang kanyang pagtataka bakit binibili ng mga tao ang kanyang mga selfies. 
Today (I) sold more than 230+ (selfies) and until now I don’t understand why you want to buy #NFT photos of me !!! but i thank you guys for 5 years of effort paid off.” 
Sa nakakalulang halaga na kinita, plano ni Ghozali na gamitin ang pera upang mag-invest at ipagpatuloy pa ang pagkuha ng “selfie” hanggang sa makatapos siya ng pag aaral.

Para narin sa pangarap nito na magkaroon ng sarili niyang animation studio balang araw.

 

Isang sikat na vlogger na mamamaalam dahil sa 4ksidente ngayon 2022, na vision na umano ni Rudy Baldwin

Misis, in-unfriend si Mister sa FB, ang nakakagulat na dahilan, nag trending!