in

Palaban at prangkang resignation letter ng isang empleyado sa kanyang boss, nagviral!

Minsan may mga empleyado ng kumpanya na hindi na kuntento sa kanilang trabaho dahil hindi sila tinatrato ng maayos o hindi nakakatanggap ng sapat na sahod.

 

 

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ninanais nilang maghanap at lumipat sa ibang trabaho at kumpanya.

Ngunit marami din namang, dahil sa kahirapan ng buhay, kailangan na lang magtiis sa maliit na suweldo at hindi masayang working environment.

 

 

Ngunit kakaiba ang isang empleyado na ito.

Isang netizen ang nag viral sa social media matapos niyang hayagang pinost ang kopya ng kanyang resignation letter para sa kanyang boss.

 

 

Ang nasabing post ay humakot ng 26,000 reaksyon, 6,000 comments at 21,000 shares.

Bagamat hindi na makita sa Facebook ang orihinal na post. Maraming Facebook page at netizens ang nag repost nito.

 

 

Isang nagngangalang  Aian Tiong Arroz, ang nagbahagi sa kanyang Facebook account ng kanyang resignation letter kung saan walang pag aalinlangan niyang inihayag ang kanyang mga hinanakit sa kompanyang kanyang pinapasukan.

 

 

Dahil dito, maraming netizens ang naka relate sa ginawang letter ni Aian.

Ayon sa kanya, nag eenjoy naman daw siya sa kanyang trabaho. Ngunit sa sa paglipas ng mga panahon, unti unti daw nagiging t0x!c ang pinagtatrabahuhan hanggang sa hindi na niya ito makayanan.

“I have enjoyed my time naman here kaso, toxic na kayo.”

Dagdag pa nito, hindi daw binabayaran ng kumpanya ang kanyang mga overtime. Maging ang comfort room sa opisina na walang bidet ay hindi rin pinalagpas.

Inireklamo din ni Aian ang mahal na presyo ng paninda sa kanilang canteen, maging ang masusungit na tindera.

“50 pesos lang budget ko sa lunch, 85pesos yung pinakamurang meal, pangit pa nung ugali ng tindera.” 

Idinamay pa nito ang mga Marites na kasamahan sa trabaho na mahilig sa isyu at walang ginawa kundi magtsismisan.

“Language barrier, walang bayad yung overtime, masungit yung utility at walang bidet ang CR! Issuemera pa yung karamihan sa mga employee”

Kinaaliwan ito ng ilang netizen at may nagsabi pang kokopyahin nila ang kakaibang resignation ni Aian kung sakaling magkakaroon narin daw sila ng lakas ng loob na mag resign.

Narito ang kabuuan ng kanyang resignation letter:

Anong masasabi niyo dito? Kaya niyo rin bang maging ganito kaprangka sa boss niyo?

 

Larawan ni Willie Revillame kasama ang bunsong apo kay Meryll Soriano kinagigiliwan ngayon online

Isang sikat na vlogger na mamamaalam dahil sa 4ksidente ngayon 2022, na vision na umano ni Rudy Baldwin