in

Larawan ni Willie Revillame kasama ang bunsong apo kay Meryll Soriano kinagigiliwan ngayon online

Kinagigiliwan ng maraming netizens ang larawan ni Willie Revillame kasama ang bunsong anak ni Meryll Soriano.

Nagdiwang ng kanyang 61st birthday ang sikat na TV Host comedian noong January 27. At bilang pagbati sa kanyang ama isang larawan ang ibinahagi ni Meryll sa kanyang IG post.

Kung saan makikita ang bonding ni Kuya Wil at ng kanyang bunsong apo na si Baby Gido. Ang anak nina Meryll at Joem Bascon.

Sa kanyang caption saad ni Meryll, “Happiest birthday, Lolo Wil. We love you!”

Makikita sa larawan na nakatingin si Baby Gido sa kanyang Lolo Wil habang parehong nagniningning ang kanilang mga ngiti.

Maraming netizens naman ang giliw na giliw sa litrato ng mag-lolo. Bumuhos din ang pagbati para sa kaarawan ni Kuya Wil.

Samantala, sa iba pang mga post ni Meryll ay makikita kung gaano ka-close si Baby Gido sa kanyang lolo.

Laging pinaglalaanan ni Kuya Wil ng oras ang kanyang apo kahit pa nga abala siya sa kanyang trabaho.

Kaya naman mas lalo siya hinangaan ng marami dahil sa pagiging mapagmahal niya sa kanyang pamilya.

Jessy Mendiola pabirong sinabing kaya niyang hiwalayan ang mister na si Luis Manzano para kay Gong Yoo

Palaban at prangkang resignation letter ng isang empleyado sa kanyang boss, nagviral!