in

Jessy Mendiola pabirong sinabing kaya niyang hiwalayan ang mister na si Luis Manzano para kay Gong Yoo

For Jessy Mendiola, ipagpapalit niya ang asawang si Luis Manzano para sa sikat na Korean Star na si Gong Yoo!

Sa latest vlog ni Jessy, kumasa siya sa ‘Jojowain o Totropahin’ challenge. Kasama ang mommy ni Luis na si Vilma Santos at iba pa nilang kasama sa bahay.

Sa simula ng kanilang video, saad ng Star For All Season. “Parang nahihiya ako, kasi sa edad ko parang hindi na bagay kung sino ang jojowaiowain ko o totropahin ko?”

Pero, noong narinig niya ang pangalan ng crush niya na isa nga sa kasama, napa-‘Oh my God’ si Ate Vi, at na-excite nang husto.

Samantala, nang mga sikat na oppa na ang ipinakita ay nag-unahan pa sina ate Vi at Jessy sa pagsagot.

Nang mabanggit ni Luis ang pangalan ni Gong Yoo, agad na sumagot si Jessy ng ‘jojowain’.

Hirit ni Luis, sana man lang daw ay naghintay ang misis ng two seconds bago sumagot.

Pero ito ang naging biro ni Jessy, “Hihiwalayan kita para sa kanya.” Syempre, may pambawi naman si Jessy kung bakit super crush niya si Gong Yoo.

“Alam mo love kung bakit ko siya crush? Kasi naaalala kita sa kanya, hindi ko alam kung bakit,” paliwanag ni Jessy.

“May bawi ako don diba, may bawi!”

Maging si Ate Vi ay jojowain din ang sagot para kay Gong Yoo, na bumida sa ilang hit Korean series tulad ng ‘Coffee Prince’ at ‘Goblin’, pati ang top Korean zombie film na ‘Train to Busan’.

Panoorin dito ang nakakatuwa nilang video:

Baby No More! Xyriel Manabat, ginulat at pinahanga ang marami sa kanyang ‘DALAGA NA’ looks ngayon

Larawan ni Willie Revillame kasama ang bunsong apo kay Meryll Soriano kinagigiliwan ngayon online