in ,

Baby No More! Xyriel Manabat, ginulat at pinahanga ang marami sa kanyang ‘DALAGA NA’ looks ngayon

Labing dalawang taon na ang nakakalipas ng magsimula ang career ni Xyriel Manabat sa showbiz.

 

 

2009 nang itinanghal siya bilang 3rd placer sa ABS-CBN Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol.

 

 

Dito na nagsimula si Xyriel na mag appear iba’t ibang TV programs.

 

 

Mabilis  na umusbong ang career ng batang actress na ito noon, kaya naman nabigyan siya agad ng title role sa isang serye, ang Momay.

 

 

Mas lalong nakilala ang husay ni Xyriel sa pag arte ng gumanap siya bilang batang Anna Manalastas sa top rated serye na 100 Days To Heaven.

 

 

Kaya naman nahirang agad siyang Best Child Actress noong 2010 sa 36th Metro Manila Film Festival sa movie na Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!).

 

 

Bagama’t nasa rurok ng kanyang career noon, mas pinili ni Xyriel na iwan muna ang showbiz upang bigyan ng priority ang kanyang pag-aaral.

 

 

Gayunpaman, naging aktibo parin si Xyriel sa kanyang social media account at patuloy na nagbibigay ng update sa kanyang mga fans tungkol sa kanyang buhay.

 

 

Kamakailan, ginulat at pinahanga ng batang aktres ang kanyang mga fans sa kanyang bagoong lo0ks.

 

 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Xyriel Manabat ang kanyang bagong hairstyle at hair color. Marami sa kanyang mga followers ang nagsabing bumagay sa kanya.

 

 

Kapansin pansin na dalaga na nga ito at tila magture na ang itsura.

 

 

Bentang-benta din sa netizens ang bago nitong TikTok video kung saan makikita ang kanyang new look.

 

 

Narito ang kanyang mga videos:

 

@xyrielmanabat_Norem ako madameng kaboangan♬ PSG – Al James

 

@xyrielmanabat_♬ Toxic x Pony x SandM x Pony Remix by DJ Razikyle – Razikyle Enciso 🎧

 

Kung matatandaan, naging tampulan  ng samu’t saring komento noon si Xyriel dahil sa mga pisikal na pagbabagong naganap sa kanya kaugnay ng kanyang pagdadalaga.

 

 

Maraming namb4stos at nangutya dahil sa kanyang malaking hinaharap na buong tapang niyang sinagot upang depensahan ang kanyang sarili noon.

 

 

Sa ngayon ay magkokolehiyo na si Xyriel Manabat at balak niyang kumuha ng kursong Civil Engineering.

 

Daniel Padilla, ibinuking kung sino nga bang aktres ang totoong kinahuhumalingan ni Joshua Garcia

Jessy Mendiola pabirong sinabing kaya niyang hiwalayan ang mister na si Luis Manzano para kay Gong Yoo