in , ,

Daniel Padilla, ibinuking kung sino nga bang aktres ang totoong kinahuhumalingan ni Joshua Garcia

Sa paglipas ng panahon, talaga namang marami lalo ang nakakapansin sa mga pagbabago ni Joshua Garcia.

 

 

Maliban sa pagmamature nito nito di lang sa pag arte, tila nagmature narin ito physically.

 

 

Lalong napansin ang malakas na appeal ng aktor sa kanyang mga recent Tiktok videos na talaga naman nagpahanga sa maraming kababaihan.

 

 

Kaya naman marami ang nagtatanong ngayon, kamusta na nga ba ang puso ni Joshua Garcia?

 

 

Sa isang video kung saan nagkaroon nang Truth or Dare challenge ang young actor kasama ang kanilang celebrity pals na sina Zanjoe Marudo at Hyubs Azarcon, naging super honest ang mga aktor na ito.

 

 

Ang tanong?

“Kaninong leading lady niyo kayo pinaka nagka-crush nang malala?”

 

 

Walang pagdadalawang-isip si Zanjoe na aminin ang kanyang paghanga sa kanyang kasalukuyang leading lady sa Broken Marriage Vow na si Jodi Sta. Maria.

“[Ako] kay Jodi! Crush ko talaga yun.”

 

 

Nang si Joshua na sabihan na i-reveal ang crush niya, pinangunahan ni Daniel at mapaglarong binanggit ang pangalan ni Janella.

 

READ ALSO: 

Ang totoong dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigang Julia Barretto at Janella Salvador!

Dito na nagsimulang magtuksuhan at magbiruan. Pagkatapos ng lahat ng panunukso, kaswal na sumang-ayon si Joshua:

“Tama. Imposibleng magka-mali ‘tong mga ‘to.”

 

 

Bagama’t di mawari kung pag ka crush ba ni Joshua kay Janella ay isang mutual understanding, matatandaan na puro positive compliment din ang masasabi ni Janella kay Joshua.

 

 

Sa isang guest appearance sa YouTube channel nina Joj at Jai Agpangan, nauna nang bumusina ang aktres tungkol kay Joshua, ang kanyang leading man sa nakaraan niyang teleserye.

“Masaya ka-trabaho si Joshua kasi super professional and ang galing niya talaga. Ramdam mo siya sa bawat eksena,”

 

 

Hindi napigilan ng kambal na sumang-ayon, binanggit na ang dalawa ay nagkaroon ng magandang relasyon sa telebisyon.

 

 

Nakatakdang magsama muli sina Joshua at Janella sa pinakahihintay na Darna series, na top-billed ni Jane De Leon.

 

 

Si Joshua ay nakatakdang gumanap bilang Brian, isang pulis at leading man ni Darna; Samantala, gaganap si Janella bilang iconic na kontrabida na si Valentina.

 

Aktres na sinasabing nabuntis umano at 3rd party sa hiwalayang Tom at Carla, maagap na dinipensahan ang sarili

Baby No More! Xyriel Manabat, ginulat at pinahanga ang marami sa kanyang ‘DALAGA NA’ looks ngayon