in ,

Aktres na sinasabing nabuntis umano at 3rd party sa hiwalayang Tom at Carla, maagap na dinipensahan ang sarili

Hindi inaasahan ng marami ang biglang pagpapaliwanag ng Kapuso actress/beauty queen na si Kelley Day tungkol sa pagkakasangkot niya sa kontrobersyal na issue ng paghihiwalay nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

 

 

Sa mga nakaraang articles, ang follow-unfollow fiasco ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Nagdulot ito ng mga pagaakala sa mga netizens na ang kanilang kasal ay kasalukuyang nasa rough patch.

 

 

Base sa mga espekulasyon, hiwalay na di umano ang celebrity couple tatlong buwan matapos magpakasal noong Oktubre 23 sa San Juan, Batangas.

 

 

Bukod pa dito, may mga blind item at tsismis na kumakalat online tungkol sa kanila na nagsasabing ang dahilan sa likod ng rumored conflict ay third party.

 

 

May mga alegasyon din tungkol sa di umano nabuntis ng aktor isang tao bago niya pinakasalan ang Kapuso actress. Naging official na mag girlfriend-boyfriend sina Tom at Carla ng pitong taon bago nila magdesisyong magpakasal.

 

 

Sa isang episode ng “Take It… Per Minute, Me Ganun” nina Cristy Fermin, Lolit Solis, at Mr. Fu, isang bl!nd item ang inilabas.

 

 

Ang mga hints at clues sa nasabing bl!nd item ay maagap na naisip ng mga netizens na ang umano’y third party ay si Kelley Day, isa sa mga artistang nakatrabaho ni Tom bago sila ikasal.

 

 

Sa kanilang kasal, isa rin Kelley sa mga guests. Sabi ng beteranong showbiz columnist na si Nay Cristy sa kanyang programa,

Sigurado po, siguradong-sigurado po yung mga nagbabalita sa amin ni Romel kung sino yung babaeng nahuli eh, no? Nahuli daw ni Carla. Nahuli ni Carla.

 

 

At ngayon, kasunod ng lahat ng mga akusasyong ito, nagpasya si Kelley na basagin ang kanyang katahimikan bago pa lumala at mga bagay na ibinibintang sa kanya.

So before things get too out of hand, I’d like to clarify that i have no knowledge of/ involvement with the contr0versy.

 

 

Alinsunod dito, wala sa mga iyon ang totoo. Ipinagdiinan ng Kapuso actress/beauty queen na hindi siya ang third party.

I don’t know how or why my name has become linked (I’m surprised too), but what I do know is these accus4ti0ns about me are f4lse.

 

 

Nilinaw din niya na  hindi siya buntis taliwas sa inaakala ng mga tao sa kanyang biglang pag out of the country.

I’ve traveled to the UK to attend the funeral of a family member and to spend time with my UK-based family. I’m not pregnant (nor have I ever been). I have never had anything close to romantic involvement/interest with the person. I have, and always will have the utmost respect for the Couple. They have always treated me with kindness.

 

 

Hindi pinangalanan ni Kelley ang tinutukoy niyang couple sa kanyang Instagram story, ngunit ginawa niya ang pahayag matapos na mag-spark ng breakup rumors online sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

 

 

Nagkasama si Kelley at si Carla sa 2021 drama series na “To Have and To Hold.”

Pumirma siya sa GMA Artist Center matapos siyang mahirang na 1st runner-up sa 2021 Miss Eco International pageant.

 

 

Hanggang sa ngayon, hindi parin nililinaw ng estranged husband and wife na sila Carla at Tom ang mga issue ngayon tungkol sa kanila.

 

 

 

 

Xian nag PM kung totoong nakabuntis nga ng iba ang asawa, Nay Cristy, may inamin tungkol sa babaeng nahuli mismo ni Carla na karelasyon ng asawang si Tom

Daniel Padilla, ibinuking kung sino nga bang aktres ang totoong kinahuhumalingan ni Joshua Garcia