in , ,

Xian nag PM kung totoong nakabuntis nga ng iba ang asawa, Nay Cristy, may inamin tungkol sa babaeng nahuli mismo ni Carla na karelasyon ng asawang si Tom

Marami ang nagulat matapos biglang kumalat ang balitang posibilidad na hiwalay na nga ang kakakasal lamang na celebrity couple na sila Tom Rodriguez at Carla Abellana.

 

 

Maraming nakapansin sa possibleng problema ng mag asawa dahil sa biglaang pag unfollow nila sa isa’t isa. Gayundin ang hindi na umano pagsusuot ni Carla ng kanilang wedding ring.

 

 

Kaugnay nito, kapansin pansin din ang hindi na pagpopost ng larawan na magkasama nila Carla at Tom sa social media.

 

Tom Rodriguez at Carla Abellana hiwalay na diumano tatlong buwan matapos ikasal

 

Ngayon, unti unti nang lumalabas ang sinasabing mga dahilan.

 

 

Sinabi ni Cristy Fermin, sa pinakabagong episode ng Cristy Ferminute, na kapwa Kapuso din ang sinasabing third party sa relasyon nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

 

 

Sinabi ni Nay Cristy na may mga usapan na nagkaroon sila ng matinding away, na nauwi sa diumano’y paghihiwalay.

“Hindi mo pwedeng pasubalian na yung girl talaga na kilala natin ang dahilan.” 

 

 

Dagdag pa ng beteranang showbiz columnist, lubusan niyang pinapaniwalaan ang balitang nakarating sa kanya dahil legit ang kanyang source.

“Hindi lang po dalawa, hindi tatlo, hindi lima ang aming impormante,

Sigurado po, siguradong-sigurado po yung mga nagbabalita sa amin ni Romel kung sino yung babaeng nahuli eh, no? Nahuli daw ni Carla. Nahuli ni Carla.” 

 

 

Ayon kay Cristy, may mga kaibigan siyang nagtatrabaho sa network.

“Yung mga nagtatrabaho po sa produksyon, sa mga network, marites din nating maituturing ang mga taong ito, at sila po mismo ang nagparating sa amin ng balita tungkol sa hiwalayan.”

 

 

Tila nagbigay naman ng hint si Nay Cristy sa tinutukoy niya umanong third party.

“Nagkasama sila sa isang serye.” 

 

 

Nukod pa sa balitang ito, hindi din napigilan ni Xian Gaza na kumpirmahin mismo kay Carla ang isa pang balitang nasagap.

Tom Rodriguez nagiwan ng isang cyrptic post na nagpainit lalo sa issue ng hiwalayan kay Carla

 

Pinost ni Xian sa social media ang screenshot ng umano’y PM niya sa aktres na si Carla Abellana tungkol sa umano’y bagay na gumugulo sa kanyang isipan.

 

 

Tinanong niya kung totoo ba o f4ke news lang na may nabuntis na ibang babae si Tom, ilang buwan bago ang kanilang kasal.

 

 

Ngunit hanggang ngayon ay hindi ito sinasagot ng aktres.

 

Richest person in the country na si Manny Villar, nabili ang 2 broadcast channel ng ABS-CBN

Aktres na sinasabing nabuntis umano at 3rd party sa hiwalayang Tom at Carla, maagap na dinipensahan ang sarili