in ,

Richest person in the country na si Manny Villar, nabili ang 2 broadcast channel ng ABS-CBN

Nakatakdang sakupin ng business tycoon na si Manny Villar ang mga frequency broadcast ng ABS-CBN sa telebisyon.

 

 

Ang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), na pag aari ni Villar ay ginawaran ng 25-taong franchise extension noong 2019.

 

 

Binigyan ng green light ang kumpanya ni Villar upang mag-install, magpatakbo, at magmaintain ng Digital Television Broadcasting System sa Metro Manila/Mega Manila gamit ang Channel 16, ayon sa National Telecommunications Commission.

 

 

Samantala, nagbigay naman ng temporary period ang NTC para sa channel 2, nililinaw na ito ay “simulcast purposes” lamang, at hanggang sa iskedyul ng analog shut-off sa 2023.

 

 

Paliwanag ng komisyon na ang AMBS ang unang nag-applay para sa naturang awtoridad noong Oktubre 5, 2006.

“AMBS has been waiting for an available digital TV frequency since 2006 after undergoing a quasi-judicial process, which includes notice to all interested/affected parties and hearing.”

 

 

Ayon sa order ng NTC noong January 6, ang AMBS mag ooperate mula 7 a.m. hanggang 10 p.m. sa Villar’s ​​Starmall sa Mandaluyong City, at ang permit ay gagamitin lamang para test broadcast.

 

 

Noong 2019, pinangalanan ng Forbes Magazine si Manny Villar bilang bagong richest individual sa Pilipinas, na may tinatayang networth na $5.5 bilyon, na higit kay Henry Sy, Sr.

 

 

Noong 2021, ang kanyang networth ay tumaas sa humigit-kumulang $6.7 bilyon.

 

 

via: The Philippine Star

Video ni KC Concepcion habang ginagaya ang Pinoy accents kinagigiliwan ngayon online!

Xian nag PM kung totoong nakabuntis nga ng iba ang asawa, Nay Cristy, may inamin tungkol sa babaeng nahuli mismo ni Carla na karelasyon ng asawang si Tom