in

Video ni KC Concepcion habang ginagaya ang Pinoy accents kinagigiliwan ngayon online!

Good vibes ang hatid ng video ni KC Concepcion habang ginagaya ang mga nakakatuwang Filipino accents.

Madalas magbahagi si KC ng mga larawan at video niya sa kanyang social media accounts. Dito ay nagbibigay siya ng update tungkol sa kanyang mga activities at pinagkakaabalahan sa buhay.

Lagi naman itong umaani ng papuri mula sa kanyang mga followers. At kamakailan nga lamang ay muling kinagiliwan ng marami ang kanyang video.

Kung saan sumabak din siya sa trend na Filipino D4ring Accent. Na unang pinasikat ni Ashley Rivera o mas kilala bilang si Petra Mahalimuyak.

Maririnig na saad ni KC sa video, “Oh my God, your Filipino accent is so s3xy, say it again.”

Kasunod nito ay nakakatuwang minutawi na niya ang mga salitang, “Sikan plor (second floor), loshyon (lotion), jodoran (deodorant), chutpeys (toothpaste), bb owel (baby oil), badiwas (body wash).”

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang nasabing video ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Da best talaga to @kristinaconcepcion babalik-balikan pampa good vibes”

“Yung badiwas talaga nagdala eh hahhaa lovvweettttt ses”

“Bakit sosyal pa rin pakinggan…parang french lang…Iba kapag si KC”

Pati ang ilang celebrities ay hindi din napaigilan ang kanilang pagakagiliw sa video na ito ni KC. Ilan lamang sa mga celebrities na nagkomento sa video ni KC ay sina Moira dela Torre, Janine Guttierez, KZ Tandingan.

Tom Rodriguez at Carla Abellana hiwalay na diumano tatlong buwan matapos ikasal

Richest person in the country na si Manny Villar, nabili ang 2 broadcast channel ng ABS-CBN