in

Tom Rodriguez at Carla Abellana hiwalay na diumano tatlong buwan matapos ikasal

Trending ngayon sa social media ang hiwalayan diumano ng bagong kasal na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nag-ugat ang usapin na ito ng mapansin ng kanilang mga fans na nag-unfollow na ang mag-asawa sa kani-kanilang IG accounts.

Isang netizen kasi ang nag-tweet at nagtanong kung hiwalay na nga ba sina Carla at Tom. At doon na nga nakita ng mga netizen na hindi na naka-follow sa isa’t-isa ang celebrity couple sa kanilang IG.

Isang cryptic video naman ang ipinost ni Tom sa kanyang IG. Tila sariling composition daw ito ng aktor na may title na ‘Float’

Sa comment section naman nito, maraming supporters nila ang umaasam na kung may pinagdadaanan man silang mag-asawa, sana ay maayos iyon sa madaling panahon.

Kapansin-pansin din na wala din silang bagong larawan na magkasama. Ang huling post pa ni Carla ay noong  December 23, 2021. Video teaser ito ng bakasyon nila ni Tom na uploaded sa kanyang YT channel.

Samantalang si Tom naman ay noong  October 21 pa na promo teaser naman ng kanilang prenup video.

Maging sa nagdaang pasko at bagong taon ay wala din silang larawan na magkasama. Na dapat sana ay first holiday nila bilang husband and wife.

May mga nakapansin din na hindi na din suot ni Carla ang kanyang wedding ring sa ilang video uplaod niya sa YouTube.

Base pa sa ulat ng PEP.ph, madalas daw ang pag-aaway nina Tom at Carla at ilang beses na umano silang naghihiwalay sandali, pero nagkakaayos din.

Kim Chiu, muling nag burst out! Nagsusumamong humingi ng tawad sa panibagong kontrobersyang kinakaharap

Video ni KC Concepcion habang ginagaya ang Pinoy accents kinagigiliwan ngayon online!