in

Kris Aquino aminadong nasaktan sa naging pagtrato ni Mel Sarmiento sa anak niyang si Bimby

Ipinahayag ni Kris Aquino na nasaktan siya sa pagtrato ng ex-fiance na si Mel Sarmiento sa anak niyang si Bimby.

Nilinaw ni Kris kamakailan ang post ni Lolit Solis tungkol sa diumano’y pagbabalikan nila ni Mel. Mariin niya itong itinanggi kasabay ng paglalabas niya ng sama ng loob sa dating nobyo.

Ibinahagi ng Queen Of All Media na nasaktan ang kanyang anak na si Bimby dahil sa mga pangyayari tungkol kay Mel.

Nakiusap naman si Kris na huwag nang idamay ang kanyang anak sa isyu. Lalo na si Bimby na pag-amin ni Mel ay nasaktan niya.

“Let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this,” aniya.

Ayon sa actress tv host, nasasaktan umano siya para sa anak. Dahil ni hindi man lang daw inisip ni Mel ang mararamdaman nito sa naging sitwasyon nila.

Napag-alam pa umano ni Kris na lumapit ang kanyang ate upang makausap ito. At maging tulay sa kanilang pagkakasundo ngunit napag-alaman niya na binalewala siya nito.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him and hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate,” saad ni Kris.

Patutsada pa nito, ginamit lang siya ni Mel at gumawa rin umano ito ng mga kuwento. Para palabasin na malapit ito sa kuya niyang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Dagdag pa ni Kris, naging malinaw sa kaniya ang lahat. Nang makausap niya si Mel sa FaceTime audio ilang araw lang ang nakararaan.

Diego at Barbie, totoong hiwalay na ayon sa source ni Mama Ogs

Kim Chiu, muling nag burst out! Nagsusumamong humingi ng tawad sa panibagong kontrobersyang kinakaharap