in , ,

Diego at Barbie, totoong hiwalay na ayon sa source ni Mama Ogs

Bago matapos ang taong 2021. Naging headline sa social media ang relasyon Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

 

 

Sa kabila ng kabi kabilang pagatake sa kanilang relasyon, nanatiling tahimik at “strong” with each other ang ipinakita ng couple.

 

 

Ngunit dumaan ang holiday season, kapansin pansin ang pagiiba ng ihip ng hangin.

 

 

Naging malaking question mark sa mga netizens ang pag cecelebrate ni Diego ng holidays nang hindi kasama ang girlfriend na si Barbie.

 

 

Base ito sa mga nakitang post ng aktor sa kanyang social media account na magisa lamang at wala si Barbie.

 

 

At nito lamang, lumipad na si Diego patungong US upang magbakasyon. Wala namang sinabi ang aktor kung hanggang kailan siya mananatili doon.

 

 

Ngunit naging makahulugan ang kanyang sagot ng tanungin kung bakit hindi niya kasama si Barbie.

 

 

Sa virtual media conference para sa pelikula niyang “The Wife”, tinanong si Diego tungkol sa girlfriend niyang si Barbie Imperial.

 

 

Paliwanag niya, biglaang lamang ang kanyang punta sa US at tingin niya ay walang Blue Passport si Barbie malabo itong makasama sa kanya.

 

 

Sa isang vlog, napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi ang viral explanation ni Diego kung bakit siya umalis papuntang US.

Hindi maiwasang magtaka ni Mama Ogs sa naging sagot ni Diego kaya naman naitanong niya, “Bakit may mga ‘I think’, di sila nag-usap?” 

 

 

Sagot naman ni Mama Loi sa kanya,

“Diba dapat mas diretso na salita na, ‘She would like to come’ or ‘I invited her to come with me kaso she doesn’t have a visa.’ Diba dapat ganun? Bakit ‘I think she doesn’t have a passport’, ‘I think she doesn’t have a visa.’ Bakit di mo alam?”

 

 

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, ipinunto ni Ogie na matagal nang hindi nakikita ng mga tao ang pag-post ng dalawa tungkol sa isa’t isa.

Kasunod ng komentong ito, sinabi ni Ogie na isa raw sa mga source niya ang nag-claim na hiwalay na ang dalawa.

 

 

“Ito lang po yung nasagap natin ano, na yung dalawa raw eh wala na. Totoo ba? Ito ay tinatanong ko ah. Kasi meron lang pong nagparating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon, kung san na napunta… Ang sabi lang sakin ah, waley na raw.” 

 

 

Ibinahagi din ng talent manager na pinapili diumano si Diego kung itutuloy ba nila ang relasyon o maghiwalay na sila.

 

“Ang nabalitaan natin ano, nag-away daw itong si Barbie at si Diego. Tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego. Itutuloy pa ba natin ‘to or hiwalay na? Eh parang nanalo ata yung hiwalay na. Yun po yung nakarating sa akin.”

 

 

Panooring ang video:

Kris Aquino sinabing ginamit lang siya ng dating fiancé na si Mel Sarmiento

Kris Aquino aminadong nasaktan sa naging pagtrato ni Mel Sarmiento sa anak niyang si Bimby