in ,

Xander Ford, humingi muli ng tulong at awa sa mga netizens alang alang sa pamilya

“Mabilis sumikat, mabilis ding naglaho”, ganitong ganito ang nangyari sa social media star na si Marlou Arizala aka Xander Ford.

 

 

Matapos humarap sa kasong pang aabus0 na isinampa ng minor de edad niyang GF noon na si Ysah Cabrejas, pansamantalang nakalaya si Xander dahil sa pagpyansa.

 

 

Ganunpaman, gumugulong parin ang kanyang kaso at walang kasiguruhan na siya ay mapapawalang sala.

 

 

Sa sobrang hirap ng sitwasyon ngayon ng social media star, hindi na nito napigilang humingi ng tulong sa mga netizens.

 

 

Inisa-isa niya sa kanyang post ang mga problemang kinakaharap ngayon.

“Sa totoo lang Pinipilit ko kumain sa araw araw kahit puro problema ang iniisip ko dahil isa ako sa libo libong kabataan na maaga nang namulat sa kahirapan dahil ganito naman talaga sa pilipinas e.

 

 

Ayon pa sa kanya, maraming utang ang binabarayan ng kanyang mga magulang sa ngayon. Siya ang halos nasagot ng mga bayarin sa bahay gaya ng tubig at kuryente at renta.

 

 

Ngunit dahil sa halos wala naman siyang trabaho, malaking problema niya kung paano matutustusan ang kanilang pangangailangan.

 

 

Problema din daw niya ang bayarin sa pag aaral ng kanyang kapatid at pamangkin.

 

 

Isa rin sa malaking dagok niya ngayon ay ang kasong kinakaharap laban sa dating girlfriend. Gayundin ang pahirap sa kalooban niya dulot ng mga taong  hinuhusgahan daw siya dahil sa kanyang itsura.

 

 

“Madami akong mga bagay na Hindi ko alam paano ko matatapos at hindi ko alam paano ko uumpisahan

Gusto ko makatulong makaipon kahit konting panahon pa gusto ko matupad mga pangarap ng pamilya ko para sa amin pamilya.”

 

 

Sa huli, nanawagan siya ng tulong, awa, dasal at respeto.

“Isa nalang ang need ko yung mag karuon ako ng isang bagay na mag Bibigay ng Income para sa amin gusto ko mag Live stream gusto ko talaga mag work na at makaipon pa.”

 

 

Ps. Sobrang hirap na ng buhay namin ngayun sana kunting awa para sa pamilya ko.

Kahit sa konting dasal nalang po at respeto.”

 

 

Makakuha sana ng aral ang mga kabataan kay Xander Ford. Ang pahalagahan ang mga opportunity na dumarating at maging humble ano man ang ating marating.

 

 

Wendell Ramos, sinadya pa sa Pangasinan si Lolo Nardo upang ibigay isang napakalaking bagay para sa matanda

Mura at vlogger na tumulong sa kanya noon na si Virgelyn nagkasumbatan