in , ,

Wendell Ramos, sinadya pa sa Pangasinan si Lolo Nardo upang ibigay isang napakalaking bagay para sa matanda

Matapos magviral ang nakakahabag na nangyari sa 80 years old na matanda na si Lolo Nardo, maraming celebrities narin ang naghayag ng suporta dito.

 

 

Isa sa mga hinahangaan ngayon ay ang Kapuso actor na si Wendell Ramos na sinadya pa si Lolo Nardo sa Asingan, Pangasinan.

 

 

Umani ng papuri ang actor at ngayo’y negosyante matapos nitong bigyan ang matanda ng sarili din niyang negosyo.

 

 

Ayon sa ibinahaging post ni Wendell sa kanyang Instagram account, naging misyon ng kanilang foundation na iGive foundation, na tulungan ang matanda at bigyan ng dagdag kabuhayan.

 

 

kami po ay nagpapasalamat sa DIYOS AMA
.. unang una sa lahat. At sa mga taong patuloy na sumusuporta at nag tatangkilik sa aming mga negosyo. Kayo po ang dahilan kaya nagagawa namin ang patuloy na balik tanaw para sa mga kapwa natin katulad po ni LOLO NARDO’
umasa po kayo na ang @igivebyifranchise foundation po namin ay patuloy at mananatiling tutulong
Sa abot po ng aming makakaya.
Maraming Salamat po sa inyong lahat..

 

 

Kasama ng iFRANCHISE Company, OFW Family Club, Inc. at WenDeli Meathouse, binigyan ng grupo ng aktor si Lolo Nardo ng food cart business, meat products at cash aid.

 

 

Tinawag na Lolo Nardo’s store ang food cart business na binigay nila. Kabilang narin dito ang ilang meat products na negosyo ni Wendell.

 

 

Talaga namang kinurot ni Lolo Nardo ang puso ng social media. Mapait man ang sinapit dahil sa kahirapan, ang mahalaga ang nabibigyan na siya ngayon ng sapat na dahilan at paraan upang maatim niya ng hangarin, ang MAY MAIPAMBILI NG PAGKAIN PARA SA PAMILYA.

 

 

Ano pong masasabi niyo dito?

 

 

Sandara Park proud na ipinasilip sa publiko ang kanyang mamahaling koleksyon ng mga sapatos

Xander Ford, humingi muli ng tulong at awa sa mga netizens alang alang sa pamilya