in

Mura at vlogger na tumulong sa kanya noon na si Virgelyn nagkasumbatan

Usap-usapan ngayon sa social media ang palitan ng pahayag nina Mura at vlogger na si Virgelyn.

Kung matatandaan, si Virgelyn na dating isang OFW na ngayon ay isa ng vlogger. Ang tumulong at naghanap sa kinaroroonan noon ni Mura o Allan Padua sa totoong buhay.

Samantala, ilang buwan ang lumipas ay tila nag-iba ang ihip ng hangin. Naglabas kasi ng pahayag si Mura laban kay Virgelyn.

Sa kanyang video ay sinabi ni Mura na dapat lang na tulungan siya ni Virgelyn. Dahil malaki naman daw umano ang kinita nito sa video na kanilang pinagsamahan.

Ani Mura, “Natural naman ‘yun na magbigay siya. Vlogger siya e. Papaano nga naman lalaki ‘yung kanyang viewers, yung kanyang subscribers kung ‘di siya pumunta sa amin? ‘Di ba, dun siya kumita ng sobra-sobra”

Ayon pa kay Mura kung natulungan man siya ni Virgelyn ay natulungan din naman daw niya ito. Na umangat ang kanyang mga subscribers at dumami ang supporters.

“Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit,” “Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon,” saad ni Mura.

Nang mapanood naman ni Virgelyn ang pahayag na ito ni Mura ay agad din siyang naglabas ng saloobin ukol dito.

Aniya, “Kumusta ka Mura? Sana ‘yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob.”

“Bawas-bawasan natin Mura ‘yung pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao. Hindi ko lang matanggap yung sinabi mong quits tayo. Ni minsan hindi kita sinumbatan,” dagdag pa nito.

Matapos naman nito ay nanghingi naman ng paumanhin si Mura sa kanyang mga nasabi laban kay Virgelyn.

Xander Ford, humingi muli ng tulong at awa sa mga netizens alang alang sa pamilya

Kris Aquino sinabing ginamit lang siya ng dating fiancé na si Mel Sarmiento