in

Kris Aquino sinabing ginamit lang siya ng dating fiancé na si Mel Sarmiento

Naging maanghang ang mga binitawang pahayag ni Kris Aquino laban sa kanyang ex-fiancé na si Mel Sarmiento.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Lolit Solis na baka magkabalikan na umano sina Kris at Mel. Lalo pa’t boto umano ang kani-kanilang pamilya sa kanilang relasyon.

Ngunit agad namang itinanggi ni Kris ang haka-haka na ito ni Manay Lolit. At agad din siyang nagbigay ng pahayag ukol dito.

Ani Kris, imposibleng magkabalikan sila ni Mel lalo pa’t iniwan umano siya nito sa oras na kinailangan niya ito at nakipaghiwalay pa ito sa pamamagitan lamang ng text message.

“No ‘nay… hindi kami nag balikan. I just felt PEACE in my – finally… kaya the past no longer felt like something I needed to erase. Iniwan niya ko, ‘Nay, when I was at my lowest and ginawa niya yun via text,” saad ng Queen Of All Media.

Pagbabahagi pa ni Kris, nag-imbento umano si Mel ng maraming kwento. Tungkol sa samahan nila ng kanyang kapatid na si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya niyang mag imbento ng napakaraming kwento. Bilang ‘patunay’ na close talaga sila ni Noy eh may parang Alvin (ang assistant ni Kris) si Noy. Pero kung si Alvin 17 years with me, this person was with my brother for 28 years and kasing detalyado ang calendar of the people, places, events na napuntahan, and nakasama ni Noy as Alvin is with me—mas grabe pa yung kanya because from Congress 1998 to the end of Noy’s term in 2016 kumpleto talaga yung listahan.”

Samantala, may patutsada naman si Kris kay Mel at sinabing hindi siya makikipagbalikan sa taong hindi niya pinagkakatiwalaan lalo pa’t alam niyang hindi siya minahal nito at ginamit lamang.

Mura at vlogger na tumulong sa kanya noon na si Virgelyn nagkasumbatan

Diego at Barbie, totoong hiwalay na ayon sa source ni Mama Ogs