in

Sandara Park proud na ipinasilip sa publiko ang kanyang mamahaling koleksyon ng mga sapatos

Ipinasilip ng KPOP star na may pusong Pinoy na si Sandara Park ang kanyang luxury shoe collection.

Namumuhay ngayon ng mag-isa si Sandara sa Korea at ine-enjoy niya ngayon ang kanyang independent life.

Sa kanya ngang YouTube channel ay pinaunlakan ni Sandara ang aniya’y request ng marami niyang taga-hanga. At ito nga ay ang ipasilip ang kanyang luxury shoe collection.

Ani nga ni Sandara, sa kasalukuyan ay mayroon siyang 1000 pairs ng mga sapatos. Kabilang na dito ang mga rare color at limited edition ng Nike, Adidas, Chanel, at Balenciaga.

Inamin din ng sikat na KPOP idol at dating aktres dito sa Pinas na tuwing nagtatravel siya ay lagi siyang bumibili ng mga sapatos. Sa mga lugar na kanyang pinupuntahan.

Mayroon din si Dara ng Converse x Chrome Hearts collection na iba’t-iba ang kulay. Saad pa nga ng dalaga ay almost six months ang kanyang inantay bago maideliver sa kanya ang mga sneakers na iyon.

Noon naman na may tour daw ang grupo niya 2NE1 sa Taiwan ay naiwan ng handler niya ang kanilang baggage.

Kung saan nakalagay ang kanyang converse leather shoes. Kaya napilitan daw siyang bumili muli ng bagong pair noon.

Maraming fans naman ni Dara ang na-inlove sa kanyang mga koleksyon at hinangaan ang bawat pair of shoes na kanyang pagmamay-ari.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

Liza Soberano naglungsad ng kanyang sariling podcast na tungkol sa m3ntal health

Wendell Ramos, sinadya pa sa Pangasinan si Lolo Nardo upang ibigay isang napakalaking bagay para sa matanda