in , , ,

Isang sikat na PBA player ipinagpalit ang career sa Pinas, proud truck driver na ngayon sa Canada!

Kung dati ay bola ang nasa kanyang mga kamay. Manibela na ngayon ang hawak ng former PBA Player na si Tristan Perez.

Iniwan ni Tristan ang kanyang promising career bilang professional basketball player sa Pilipinas. Para magtrabaho bilang truck driver sa Alberta, Canada.

Taong 2016 ng piliin ni Tristan na iwanan ang kanyang basketball career sa Pinas. Upang sundan ang kanyang misis si Princess Jhameel Pineda sa Canada.

Dating naglaro sa National University Bulldogs si Tristan at nakatikim siya ng kampeonato sa UAAP taong 2014. Naging professional player si Tristan nang makasama sa Blackwater Elite.

Nakapanayam ni Rhea Santos si Tristan sa OMNI Filipino kamakailan at dito niya ibinahagi kung bakit niya iwan ang papausbong niyang career noon.

Kuwento niya kay Rhea, “Ganoon talaga, may pangarap ka, minsan talaga may isa sa inyo na mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo.”

“Mas pinili naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future.

“Buo na ‘yung desisyon ko e, hindi ako basta-basta magdedesisyon na hindi ko paninindigan, e,” dagdag pa nito.

Tatlong taon ng truck driver si Tristan sa Fort McMurray, Alberta habang ang kanyang misis ay driver naman ng school bus.

Inamin din niya sa interview na wala siyang kaalam-alam noon sa papasukin niyang trabaho.

“Honestly wala akong alam sa trabaho, sabi ko doon sa nag-interview sa akin. Pero, ang puhunan ko lang sabi ko, ‘I’m willing to learn.’”

Makalipas ang ilang taon, sinabi ni Tristan na napamahal na siya sa kanyang ginagawa at exciting ang pagiging isang driver sa Canada, lalo na at marami silang kinakaharap na challenge.

Tatlong lalaking magkakapatid sa Pangasinan na may kakaibang mga pangalan kilalanin!

Isang sikat na Teen Star ng ABS CBN, napilitang magtrabaho bilang service crew sa isang Fast Food Chain dahil sa p4ndemya