in

Tatlong lalaking magkakapatid sa Pangasinan na may kakaibang mga pangalan kilalanin!

Sa mabilis na pagbabago ng panahon, pati na rin ang mga pangalan ng mga Pilipino ay nahahaluan na rin ng foreign names. Ang mga ganitong pamamaraan ng magulang sa kanilang anak ay hindi naman ipinagbabawal dahil malaya pumili ang sinuman para sa kanilang anak at wala din naka saad sa batas na bawal gawin ito ng mga Pilipino.

Katulad na lamang ng isang pamilya na ito na kung saan ang kanilang magulang ay binigyan ng kakaibang pangalan ang  kanilang mga anak na sina Pzxydynn Yzzyr, Djyknyll Rysym at Dzywrygh Lynzh na nagmula sa San Fabian Pangasinan.

Sa kakaiba at mahirap basahin na pangalan ay siguradong hindi mo ito mababasa ng diretyo

Ayon sa mag asawa, na pagdesisyon nila na ganitong pangalan ang kanilang ibigay sa kanilang mga anak dahil ayaw nila itong matulad sa kanilang dalawang mag asawa na simple ang pangalan.

Kwento naman ng ama, gusto nilang pangalanan ang kanilang mga anak na walang katulad at kapareha. Kaya naman kalaunan nang may mag post ng kanilang ID sa social media agad nag trending ang naturang post dahil marami ang nagulat sa kakaiba nilang mga pangalan.

Dahil rin sa kakaiba nilang mga pangalan, aminado ang mga guro at mga kaklase na hirap sila na bigkasin o tawagin ang mga bata sa kanilang pangalan.

Pabiro namang sinabi ng kanilang kaklase, ngayon lang daw sya nakakita ng kakaibang pangalan na walang vowels.

Iba-iba man ang estilo ng bawat magulang para sa kanilang anak, ang pangalan ay isa lamang pag kakilanlan sa isang tao mapa simple man o kakaiba ang mahalaga ay ang respeto sa bawat isa.

Pamilyang nagp4kul0ng kay Lolo Narding, nagsalita na, ibinahagi ang totoong nangyari

Isang sikat na PBA player ipinagpalit ang career sa Pinas, proud truck driver na ngayon sa Canada!