in , ,

Sustento sanang 500k kada buwan ni Gretchen kay Claudine, napurnada dahil umano sa pakikipagbati nito kay Marjorie?

 

Isa na namang kontrobersya tungkol sa Barretto sisters ang umuugong ngayon sa social media.

 

 

Naudlot diumano ang 500K a month na sustento sana ng nakakatandang Barreto na si Gretchen sa nakababatang kapatid na si Claudine.

 

 

Ang nasabing panibagong issue ay ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

 

 

Ayon sa veteran showbiz columnist at talent manager, ito ay dahil daw sa hindi nasunod ni Claudine ang ilang terms and conditions ng kanyang ate kaya napurnada ang half a million na sustento para sa kanya.

 

 

“Merong nag-chika sa akin, dapat pala itong si Claudine ay sinusuportahan na raw ni Gretchen Barretto. Kaya lang medyo hindi nasunod yung gustong mangyari ni Gretchen.” 

 

 

Ang umano’y mga kondisyones daw ay para daw kay Claudine na kahilingan ng kanyang ate Gretchen.

 

 

“Oo, para rin kay Claudine. Kaya lang, parang hindi yata ito nasunod ni Claudine at nasuway niya. So sayang ‘yung supposedly eh P500,000 a month na suporta nitong si Gretchen kay Claudine.

 

 

Dagdag pa ni Ogie, may kondisyon daw kasing binigay si Gretchen kay Claudine, ngunit tila hindi raw ata ito nagawa ng nakababatang Barretto.

 

 

“‘Yung idiretso lang ang buhay… Love naman ni Claudine at Gretchen ang isa’t isa. Kaya lang sa checklist ni Gretchen na gustong mangyari kay Claudine, eh merong hindi nagawa doon si Claudine. Kaya waley na ‘yung 500K.”

 

 

Ayon pa kay Mama Ogs, mukhang ayaw daw sana ni Gretchen na pasukin ni Claudine ang pulitika. Ngunit tumakbo parin ito bilang konsehal sa Olongapo sa kabila nang pag kontra ng kanyang ate.

 

 

Dagdag pa nito,  ang dahilan ng pag-atras ni Gretchen sa suporta ay hindi dahil sa pagbabati nina Claudine at isa pa nilang kapatid na si Marjorie Barretto.

 

 

Nito lamang kasing nagdaang New Year celebration, naging laman ng social media ang larawan ni Claudine na nakitang nagcelebrate ng New Year kasama si Marjorie.

 

 

Ito ay sa kabila nang matagal nang alitan ng Barretto sisters. Si Claudine at Gretchen ang sinasabing magkakampi laban sa kapatid nilang si Marjorie.

 

`Pinakapangit na lalaki sa buong mundo` ginulat ang lahat nang ibunyag kung ilan ang asawa nito

Lugar kung nasan ang punong manggang pinagpitasan ni Lolo Narding, nasilip sa viral video