in

Lugar kung nasan ang punong manggang pinagpitasan ni Lolo Narding, nasilip sa viral video

Matapos ang isang linggong pagkakakul0ng, sa wakas ay nakauwi na ang 80 year old na si Lolo Narding Floro.

 

 

Mabilis na nagviral sa social media ang emosyonal na paguwi ni Lolo Narding sa kanilang tahanan, matapos akusahan ng pagnan4k4w ng mangga sa puno ng katabi nitong property sa Pangasinan.

 

READ ALSO, 

Xian Gaza, may pagbabanta sa taong nagpahuli sa matandang inakusahang nagn4k4w ng mangga

Ayon sa ulat. mahigit 10kilo daw ng mangga ang pinitas ni Lolo Narding sa puno na inakala niyang sakop pa ng kanyang lupa.

 

 

Una nang hinayag ni Lolo Narding na siya ang nag tanim at nag alaga sa nasabing puno ng mangga, ngunit kalaunan ay inangkin na ito ng kapitbahay at nilagyan pa ng bakod.

 

 

Sinundan sa social media ang kwento ng matanda dahil napukaw nito ang puso at atensyon ng mga netizens.

 

 

Kaya naman mabilis din nag viral ang video ng muling paguwi nito sa kanilang tahanan.

 

 

Sa una, ipinakita sa video nsi Lolo Narding na mukhang relax na at nakangiti.

 

Nandoon din ang kapatid niya sa video.

 

.

 

 

Pagkatapos nito, tinanong ng News5 kung saan matatagpuan ang puno ng mangga.

 

 

Pinuntahan nila ang aktuwal na kinalalagyan ng malaking puno ng mangga, at ipinaliwanag sa video kung paano pinipitas ang mga bunga nito.

 

 

“Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo…” pahayag ni Lolo Narding.

 

 

Mapapansin nga na nasa loob ng bakod ng kapitbahay ang nasabing puno at siyang naging dahilan ng pagkakakul0ng nito.

 

 

Si Lolo Narding ay nakalaya sa tulong narin ng mga pulis na silang nag ambagan upang makumpleto ang 6,000 pesos na piyansa.

 

 

Maraming tao narin ang nagpaabot ng tulong para sa matanda matapos nilang makita ang kalagayan nito sa social media.

Nariton ang video:

Sustento sanang 500k kada buwan ni Gretchen kay Claudine, napurnada dahil umano sa pakikipagbati nito kay Marjorie?

Pamilyang nagp4kul0ng kay Lolo Narding, nagsalita na, ibinahagi ang totoong nangyari