in

Kris Aquino dapat na bang magpaalbularyo lalo na sa kalagayan niya ngayon?

Dahil sa lumabas na update patungkol sa kalagayan ngayon ng Queen of all Media na si Kris Aquino, marami ang nagsasabi na baka kailangan naniyang mag patingin sa isang albularyo lalo na sa lumalalang karamdaman niya ngayon.

Ayon sa programang ” Cristy Ferminute” kung saan napagusapan nila Tita Cristy Fermin at Romel ang tungkol sa condition ng aktres na si Kris Aquino.

Dagdag pa ni Tita Cristy,lubha siyang naawa sa nakikita niyang kondisyon ni Kris Aquino lalo na sa mga larawan na kanyang ipinost at video sa kanyang social media.

Aniya, sobrang payat na Kris Aquino na makikita sa kanyang mukha lalo na sa paghumpak ng pisngi nito.

Nagaalala si Cristy sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino na minsan na niyang nakatrabaho sa isang talk show na ” The Buzz” nu’ng siya ay nasa ABS-CBN pa noon.

Samantala, hindi rin napigilan ng mga netizen na magpakita ng concern sa aktres. Kaya naman,sinabihan nila si Tita Cristy na kausapin si Kris Aquino na magpatawas ito o kaya naman ay pumunta na sa isang albularyo.

“Ang dami-dami na nga pong tumatawag sa akin, bakit daw hindi ko kausapin si Kris para magpagamot sa albularyo,” pahayag ni Cristy.

“Diyos ko, kung si Kris po ay tumatanggap ng mga ganoong salita. Siguro po ay noon pa, nagpatingin na siya sa albularyo.”

Sa kalagayan ni Kris,meron din ibang mayayaman na lumapit na sa mga faith healer at dun gumaling matapos silang mataningan din ng doktor.

“Sana, doon humawak si Kris Aquino sa pananampalataya. Hingin niya ang buhay niya sa Diyos,” ani pa ni Cristy.

Larawan ni Agot Isidro nilait sa Instagram; TV 5 sinita ng Aktres!

`Pinakapangit na lalaki sa buong mundo` ginulat ang lahat nang ibunyag kung ilan ang asawa nito