in

Mga pinagdaanan ni Nadine Lustre habang karelasyon si James Reid kaawa-awa daw ayon kay Cristy Fermin

Awang-awa diumano si Cristy Fermin kay Nadine Lustre dahil sa mga pinagdaanan nito noong sila pa ni James Reid.

Sa episode ng kanyang programang Cristy Ferminute, sinabi ng beteranang kolumnista na deserve  ni Nadine na maging masaya. Lalo na ngayon na Instagram official na sila Christophe Bariou.

Ibinahagi din ni Cristy ang mga pinagdaanan umano ni Nadine noong karelasyon pa nito si James Reid.

Ani Cristy, “Masyado siyang ano, masyado siyang kawawa. Dapat reciprocal ang pagmamahalan pero siya, iniiwan-iwanan. Nakikisama sa mga barkada, iiwan si Nadine. Si Nadine naman, gagawin lahat ng paraan para lang ma-win back si James. Kawawa, kawawa. It’s about time na lumigaya na si Nadine Lustre dahil mapagmahal din siya at marunong mag-aalaga ng kanyang karelasyon, ‘di ba naman?”

Naawa daw siya sa aktres dahil parang naghahabol pa noon si Nadine makuha lamang ang atensyon ni James.

Dagdag pa nito, “Nakakaawa si Nadine ah, kung maririnig mo ‘yung mga kwento. Nagmumukha siyang TH. Napaka-trying hard.”

“Itong ganitong klaseng babae gagawin mong trying hard? May napatunayan na rin naman si Nadine, ‘di ba? Nakikipagsabayan din naman siya. Tapos gagawing kawawa nu’ng lalaki. Ano ‘to? Ano feeling ni James Reid, siya ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa?”

“Pagkatapos ng mahabang panahon na naghiwalay sila, inilagay pa nga niya sa alanganin si Nadine kaya nagkadema-demanda sa Viva, ‘di ba? O, pagkatapos nu’n, gugustuhin mo pa rin ba ‘yung lalaki na para kang nagmamakaawa, nanlilimos ng pagmamamahal? Natural hindi na.”

Sa ngayon ay masaya daw si Cristy para kay Nadine dahil natagpuan na nito ang tunay na magmamahal sa kanya. Sa katauhan ni Christophe.

Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy:

Mga hirap na naranasan ni Marian Rivera bago pa siya maging sikat na artista alamin!

Sikat na loveteam, ready na daw magpakasal!