in

Kris Aquino, Inamin na hindi siya ok ngayon base sa kanyang update sa kanyang health condition; Pero patuloy pa rin tutulong!?

Kris Aquino naglabas ng bagong update sa kanyang kalusugan. Ibinahagi ni Kris Aquino ang latest sa kanyang health condition sa kanyang social media. Ani ni Kris, malayo pa sa recovery phase ang kanyang kalusugan. Ga’nun pa man, hindi pa rin mapigilan ang Queen of All Media sa pagtulong sa kanyang kapwa.

Dagdag pa ni Kris, Hindi siya iniwan o tinalikuran ng mga taong tinutulunga niya ngayon lalo na noong panahon na sila ang nangangailangan ng tulong.

Pag-alala din aniya sa kaarawan ng dating pangulong Corazon Aquino ang patuloy niyang pagtulong sa kanyang kapwa.

Ani Kris, “Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa.”

“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… I am just reciprocating in the way I am at present able to, the love, support, kindness, compassion, and loyalty many Filipinos have give me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko.”

Sa video post na ibinahagi ni Kris Aquino, makikita na tinuturukan siya ng kanyang gamot.

Pagkukwento pa ni Kris,  “Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart…”

“BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them.”

“Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko.”

Samantala, makikita sa ibang larawan na pinost ni Kris ang iba’t ibang bulaklak, pagkain at iba pang bagay. pero hindi sinabi ng aktres kung sino ang mga nagpadala nito sa kanya.

Markki Stroem, umamin na sa tunay na relasyon nila ng aktor na si Marvin Agustin!

KMJS baby boy Reymark Mariano, Nakapagpatayo na ng sariling bahay!