in , , ,

KMJS baby boy Reymark Mariano, Nakapagpatayo na ng sariling bahay!

Natatandaan niyo pa ba ang batang nag trending noon na si Reymark Mariano? Ngayon ay may magandang buhay na!

Matatandaan na marami ang naantig ang puso sa kwento ni Reymark Mariano matapos itong mafeature sa KMJS. Sa edad ng sampung taong, kinailangan ng buhayin ni Reymark ang kanyang pamilya dahil sa kahirapan.

Pag-aararo ang kinabubuhay noon ng pamilya ni Reymark. Dahil sa mala KMJS na buhay ni Reymark na featured ang kanyang buhay at dahil dun bumuhos ang biyaya at tulong para sa pamilya niya. Marami ang namangha at naantig sa kasaipagan ni Reymark para mabuhay lamang nito ang kanyang pamilya.

Makalipas ang ilang buwan, na saan na nga ba ang batang KMJS?

Dahil sa mga tulong na binigay,naka balik sa pag-aaral si Reymark at may sarili na itong bank account. Dito niya nilalagak ang mga tulong na kanyang nakukuha.

Nang balikan ng programa ni Jessica Soho si Reymark para kamustahin anito, . “Every month po may nagpapadala po sa akin ng mga kailangan po sa pag-aaral po.

“Marunong na po ako ng kaunti ng English, magbasa.”

Dahil sa maraming tulong na tanggap,nakapag patayo ng sariling bahay sila Reymark.

“Hindi na po ako nag-aararo. Masaya po kasi kung ano gusto ko mabibili ko na po,” masayang pagbabahagi ni Reymark.

Nakakatuwang isipin na nagamit nila Reymark ang tulong na binigay upang makabili sila ng tatlong kabayo na ngayon katulong na nila sa pagsasaka.

Labis-labis ang naging pasasalamat ni Reymark sa KMJS na talagang malaki ang naitulong sa kanyang pamilya.

“Nagpapasalamat po ako kay Ma’am Jessica kundi dahil sa kanya hindi po ako nakaunlad sa hirap. Sa ating mga OFW diyan, salamat po sa nagpadala sa akin ng pera. Promise, pagbubutihin ko po ang aking pag-aaral po.”

Kris Aquino, Inamin na hindi siya ok ngayon base sa kanyang update sa kanyang health condition; Pero patuloy pa rin tutulong!?

Mga anak ni Iya Villania, Tinamaan na din ng C0VID!