in

Mga hirap na naranasan ni Marian Rivera bago pa siya maging sikat na artista alamin!

Bago pa man maging Kapuso Primetime Queen, ito pala ang mga pinagdaanan ni Marian Rivera.

Sa harap ng camera, tila nakuha na ni Marian Rivera ang lahat ng biyaya. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, hindi naging madali ang buhay niya.

Sa Espanya ipinanganak si Marian Gracia Rivera, pero matapos magkahiwalay ang ina niyang ground stewardess at ang ama niyang Español noong siya’y tatlong taong gulang pa lamang, pinauwi siya sa Pilipinas at pinalaki ng kanyang lola.

Noong nasa kolehiyo si Marian, gumigising ito nang maaga upang maglinis ng bahay. At dumating din ang araw na nagpasya siyang mamuhay nang mag-isa at hindi umasa sa magulang.

Maliban sa pag-aaral sa De La Salle University-Dasmariñas, pinagkaabalahan din ni Marian ang pagsabak sa modeling. Ito ang naging daan upang lumabas siya sa telebisyon.

Nagsimula siya sa mga TV commercial bago gumanap sa mga daytime drama at afternoon soap na “Kung Mamahalin Mo Lang Ako” at “Agawin Mo Man Ang Lahat” kasama si Oyo Boy Sotto.

Nakuha ni Marian ang hinihintay niyang starring role noong 2007, sa GMA remake ng Mexican telenovela na Marimar. Hanggang ngayon, inaamin ni Marian na noong una’y hindi siya makapaniwalang siya ang napiling gumanap na Marimar.

Nagsilbi ang tagumpay ni Marian na daan upang mapagaan niya ang buhay ng mga minamahal niya. Binigay ni Marian ang una niya kotse, isang pink na Honda Jazz, sa kanyang Lola Fransisca.

Bumuti na rin ang lagay ng relasyon ni Marian sa nanay niya, at malapit siya sa kanyang ama kahit pa nakatira ito sa Espanya.

Ani nga ni Marian, “Ang buhay parang gulong. Dahil sa pag-ikot nito, marami kang madadaanan na pagsubok…kung madadapa ka, dapat tumayo ka”

Zoren Legaspi at Carmina Villaroel ipinasilip sa publiko ang naipundar na mansion sa Pasig City!

Mga pinagdaanan ni Nadine Lustre habang karelasyon si James Reid kaawa-awa daw ayon kay Cristy Fermin