in

Zoren Legaspi at Carmina Villaroel ipinasilip sa publiko ang naipundar na mansion sa Pasig City!

Matagal ng kilala sa industriya ng showbiz ang pamilya Legazpi. Noon pa man, nakilala sina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi dahil sa pagiging magaling aktor at aktres.

Sa paglipas ng ilang tao kinagulat at nanatiling sinubaybayan ng netizen ang dalawa hanggang sa kanilang pag iibigan at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng dalawang anak na sina Mavi at Casey Legazpi.

Talaga namang kitang-kita sa dalawang anak nila Carmina at Zoren ang pagkakaroon ng “good looks” na tila nakuha sakanilang magulang at di lang yun dahil di katagalan ay pinasok din nila Mavi at Casey ang mundo ng showbiz na hindi nakakapagtaka na sumunod ang henerasyon nila sa kanilang magulang bilang isang magaling na aktor at aktres.

Sa personal na buhay naman ng pamilya ay makikita mong para lang itong magba-barkada na close sa isa’t isa.

Sa ilang taon sa showbiz ng mag asawa ay nag bunga ang kanilang paghihirap nakapundar ng sariling mansion sa Pasig City.

Kalaunan, Maraming fans ang nag request para sa kanilang house tour kaya naman hindi agad nag dalawang isip ang pamilya na ipakita sa publiko ang kanilang mansion.

Naging open ang kanilang tahanan sa hiling ng netizen kaya naman sa pamamagitan ng Yes! Magazine natuloy ang house tour.

Dagdag pa ni Zoren ang disenyo ng kanilang bahay ay tila nagpapakita ng pagmamahal sa kalisan na kung saan maraming magagandang halaman at bulaklak ang nakapaligid dito dahil para sa mag asawa ay gusto nilang lumaki ang kanilang mga anak na may appreciation sa kalikasan.

Sa susunod na parte ng bahay ay ipinakita nila ang tropical design ng kanilang living room na mayroong hanging chair na gawa sa rattan. Marami ding makikita na magazines sa kanilang living room dahil noon pa man daw ay ito na ang hilig ni Carmina na ang mag basa at mangolekta.

Sa kwarto naman ng anak na lalaki na si Mavy ay mayroong shelves kung saan nakalagay ang mga paboritong libro at mga CDs na laging pinapanuod. Sa kulay naman ng silid ay green at yellow dahil ito raw ang paboritong nitong kulay.

Sa kwarto naman ni Casey ay mayroon ding shelves na kung saan nakalagay ang kanyang mga ibang gamit at mga paboritong laruan. ang kulay ng silid ay pink at yellow dahil raw itong ang kanyang request.

At ang pinaka favorite area ng pamilya ay ang kanilang master’s bedroom na mayroong malaking flat screen TV kung saan pwedeng mag relax habang nanunuod ng pelikula. Mapapansin rin ng ang silid ay may combination color ng dark floorings at light color ang walls dahil para sa mag asawa ang ganitong kulay ay nakakapag bigay sa kanila ng relaxing ambiance. Mayroon sarili ding espasyo ang mag asawa para sa kanilang mga damit bukod don ay mayroong area si Carmina para sa kanyang collection ng bags at sapatos.

Maraming netizen humanga sa kanilang simpleng tahanan bukod sa organize ang mga gamit ay talaga namang nakaka relax ang bawat sulok ng bahay bukod sa maayos na tahanan dagdag ni Zoren sa isang panayam na pinapanatili ng pamilya ang communication sa bawat isa upang mapanatili ang magandang pagsasama pati narin ang masayang pamilya.

Andrea Brillantes naka unfollow na kay Francine Diaz sa Instagram, ang rason dahil nga ba sa deleted post ni Francine?

Mga hirap na naranasan ni Marian Rivera bago pa siya maging sikat na artista alamin!