in

Andrea Brillantes naka unfollow na kay Francine Diaz sa Instagram, ang rason dahil nga ba sa deleted post ni Francine?

Friendship over na nga ba para sa Kadenang Ginto stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz?

Ito ang katanungan ng Kadenang Ginto Squad fans ngayon matapos mapansin ang pag unfollow ni Andrea kay Francine sa Instagram.

Sa IG, hindi na naka follow ang aktres sa co-star niya pero si Francine ay naka follow pa din sa huli.

Usap usapan ngayon kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ito ginawa ni Blythe.

May mga nagsasabi na dahil daw ito sa ngayon ay deleted Facebook post ni Francine.

Ang nasabing deleted post ay ang larawan ni Francine kasama ang kanyang pamilya at ang co-star din na si Seth Fedelin.

Si Seth ang on screen partner ni Andrea ngayon kaya marami ang nagtatanong kung bakit si Seth ang kasama ng dalaga at hindi ang ka-love team na si Kyle Echarri.

Kasabay nito, may Tiktok video din si Andrea na tila ba maga ang mga mata o kagagaling lang sa pag iyak.

Tila makahulugan din ang lyrics ng kanyang background music.

Matagal na ding usap usapan ng kanilang fans na si Seth at Francine daw talaga ang may espesyal na ugnayan sa totoong buhay.

Boyfriend ni Sofia Andres Kinagiliwan ng mga Netizens matapos marinig na nagsalita ng Bisaya!

Zoren Legaspi at Carmina Villaroel ipinasilip sa publiko ang naipundar na mansion sa Pasig City!