in

Korina Sanchez agad na pinalitan ang IG Caption dahil sa mga komentong natanggap mula sa netizens

Matapos putaktihin ng samu’t-saring komento, agad na pinalitan ni Korina Sanchez ang kanyang Caption sa kanyang IG post kamakailan.

Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang naging caption ni Korina sa kanyang beach photos. Patungkol kasi ito sa pagtaas ng C0VlD cases sa bansa.

Insensitive daw kasi at tila wala sa timing ang naging caption ng broadcast journalist.

Mababasa sa deleted post ni Korina: “IMAGINE. Lahat nagka c0vld na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Kalakip nito ang swimsuit photo ni Korina na kuha sa isang beach. Matapos ang ilang minuto, in-edit ng Rated Korina host ang kanyang caption.

Nakalagay na rito: “IMAGINE. Lahat nagka c0vid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase baka nakakatulong yung may natutulungan din? Please bless and heal all those inf3cted.”

Binura pa rin ni Korina ang post kahit iba na ang caption. Sa binurang post, may isang netizen ang nagkomento ng: “Tone deaf naman po Ms Korina.”

Pumalag na dito ang broadcaster, “Talaga ba? Nagpasalamat lang na di pa na c0vud tone deaf na? Baka ikaw?”

Sinagot din ni Korina ang comment na buti at binura niya ang nauna niyang post. “Miscalculation of words in caption. This is what I meant.”

Nilinaw niya din na hindi naman ibig sabihin nagkulang o hindi blessed ang nagkakasakit. Lahat ng hindi nadadapuan ay blessed ng heal the na dapat ipagpasalamat. Hindi naman ibig sabihin nagkulang o hindi blessed ang nagkakasakit. Ano ang koneksyon. Thanks. baka sensitive lang sila. OR MGA TROLLS as I discover.

At noong Lunes, muling nagpost si Korina at siniguro na niya ang inilagay na caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina)

Silipin! Pinakamalinis na palengke sa buong Pilipinas natagpuan na!

Yassi Pressman, ginulat ang marami matapos iflex ang kanyang photos, na tiyak hindi inakala ng marami