in

Sunshine Cruz, Ibinahagi ang masalimuot na pagtrato sa kanya ni Cesar Montano sa unang araw pa lang ng kanilang honeymoon

Ayon sa interview sa aktres na si Sunshine Cruz sa Pep, sinabi niya na kahit noong nasa honeymoon stage pa lang sila ay hindi na maganda ang trato sa kanya ng kanyang dating asawa na si Cesar Montano.

Dagdag pa ng aktres, nag-Carribean cruise sila noon sa kanilang honeymoon ng biglang tinapon ni Cesar ang kanilang singsing. Anito, naging isyu bigla sa kanyang dating asawa ang mga palabas niya noon na sexy movies at pilit siyang pinapaamin kung totoo nga ba ang mga iyon.

Napansin ni Sunshine nu’n na mas mainitin ang ulo ni Cesar Montano kesa sa maging kalmado ito. Pero aniya, baka dahil lamang ito sa upbringing ni Cesar kaya naman tiis niya at siyempre dahil mahal na mahal niya ito. Sinabi naman niya na naramdaman naman daw niya ang pagmamahal ni Cesar sa kanya noon. At sa kabila ng reputasyon nito bilang isang matinik sa babae akala ng aktres ay siya ang makakapagpabago dito.

Matatandaan na kinasal ang dalawa noong September 14, 2000 sa beach side ng manila. At makalipas ng labing tatlong taon ay nagdesisyon ng tapusin ni Sunshine Cruz ang kanilang pagsasama ni Cesar Montano.

2018 ng pinaboran ng korte na ipagpawalang bisa ang kanilang kasal matapos siyang mag file ng annulment. Inamin ni Sunshine na ilang beses na niyang iniwan si Cesar at umuwi sa bahay nila na umiiyak dahil sa pambababae nito.

Una ay nang malink ito sa Brazilian model na si Mariana Del Rio at ang pinakahuli ay sa leading lady nito na si Krista Miller.

Masaya at kontento na ngayon si Sunshine Cruz sa kanyang bagong buhay pagibig sa piling ni Macky Mathay at kasama ang kanyang tatlong anak na babae.

Sikat na aktres namaalam na sa edad na 29 na ikinabigla ng kanyang maraming tagahanga

Pokwang! Napaiyak Matapos Maalala ang Pagkawala ng Limang Taong Gulang Na Anak.