in , ,

Silipin! Pinakamalinis na palengke sa buong Pilipinas natagpuan na!

Hindi na bago para sating mga Pilipino ang salitang “Wet Market” kundi ka man pamilyar tinatawag din natin tong Talipapa o Palengke. Gayunpaman, sa ganitong kalidad ng lugar ay agad pumapasok sa ating mga isipan na kundi maputik ay may malasang amoy ngunit sa tipikal na buhay ay hindi maitatanggi na sa ganitong klaseng lugar ay narito ang ating mga pangangailangan.

Ngunit sa nakasanayan ng mga tao sa isang palengke maniniwala ka bang mayroong isang lugar sa Pilipinas na ubod ng linis ang kanilang palengke? hindi man kapani-paniwala ngunit ang nasabing lugar ay matatagpuan sa probinsya ng Bukidnon na kung saan naging usap-usapan sa social media dahil sa di inaasahang kalinisan nito. Makikita ang mga larawan na ibinahagi ng netizen na si Kyle Jennerman sa kanyang soc med account.

Mapapansin sa mga larawan na talagang hindi mo aakalain na isa tong palengke dahil sa taglay nitong kalinisan at maaliwalas na taliwas sa nakasanayan ng mga tao. Syempre hindi lang yan dahil ang mismong restroom ng lugar ay napaka linis rin. Kapansin-pansin din sa lugar na walang makikitang ultimo maliliit na basura sa kapaligiran. Kaya naman marami ang humanga sa pamamalakad sa kanilang lugar dahil binibigyan importansya ang palengke pati narin ang kaligtasan ng mamimili.

Dahil sa kalinisan ng Maramag Public Market, isa to sa tinaguriang “The Cleanest Wet Market” sa Pilipinas. Bukod sa pananatiling malinis ang kanilang lugar ay masasabi din na disiplinado ang mga taong namamahala dito.

Hiling ng iba na maging inspirasyon ito para sa ibang namamahala ng isang wet market upang mapanatili ang kaligtasan ng mamimili pati narin maiwasan ang parasitikong maaring kumapit sa mga pagkain.

Nang dahil sa nakakamangha na pamilihan maraming netizen ang nagulat dahil sa sobrang linis nito na maaari palang magkaroon ng ganitong klase ng pamilihan.

Ang iba naman ay nakikita itong isang inspirasyon upang makatulong sa pag unlad sa ibang lugar at pagkakaroon ng disiplina ng bawat mamimili.

Dating Child Star, Sarah Abad, Astig na mommy na ngayon dahil sa kanyang Body Tattoos.

Korina Sanchez agad na pinalitan ang IG Caption dahil sa mga komentong natanggap mula sa netizens