in

Pokwang! Napaiyak Matapos Maalala ang Pagkawala ng Limang Taong Gulang Na Anak.

Pokwang, hindi napigilan maiyak matapos ibahagi sa kanyang kaibigan na si Ogie Diaz ang pagkawala ng kanyang anak na si Shin.

Isang OFW noon si Pokwang kaya naman masakit para sa kanya na hindi siya nakauwi sa mismong bur0l ng kanyang limang taong gulang na anak na lalake.

Naging emosyonal na inalala ni Pokwang ang kanyang anak  matapos mapansin ni Ogie Diaz na sa bawat bahay ni Pokwang ay talagang may nakalaan na kwarto para sa namayapang anak.

“Kahit saan kami lumipat na bahay lagi siyang may sariling kwarto,” ani Pokwang.

Ani Pokwang, may brain tum0r ang kanyang anak at nu’ng mismong araw ng kaarawan niya kausap niya ang kanyang anak, anito masakit daw ang ulo ng niya.

“Birthday ko kausap ko siya, sariwa pa ‘yung boses niya rito… sabi lang niya ‘mama may ano, may masakit. ulo,ulo masakit’,” the actress said while trying to hold back her tears.

Ginawa lahat ni Pokwang ang paraan upang maka ipon ng pampaopera ng kanyang anak ngunit sa kasamaang palad na gamit ang naipon niyang pera para sa pampalibing ng kanyang anak.

“Hindi ako nakauwi kasi ang sama-sama ng loob ko kasi gustong-gusto ko siyang masamahan sa huling oras niya, kasi nga sabi ng kapatid ko tinatawag ‘yung pangalan ko”

Ipinaliwanag naman ni Pokwang nu’ng panahon na iyo ay hindi pa siya artista kaya wala siyang sapat na pera para pamasahe sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.

Ga’nun pa man,madalas pa rin kausapin ni Pokwang ang larawan ng kanyang anak at mapanaginipan ito na nasa mabuti na itong kondisyon.

 

Sunshine Cruz, Ibinahagi ang masalimuot na pagtrato sa kanya ni Cesar Montano sa unang araw pa lang ng kanilang honeymoon

Barbie Imperial at Tony Labrusca, Nagkaka-unawaan na nga ba matapos makita na magkasama ng sa isang Korean Resto?