in

Dating Child Star, Sarah Abad, Astig na mommy na ngayon dahil sa kanyang Body Tattoos.

Naaalala nito pa ba ang dating sikat na child actress noong 90’s? Ito ay walang iba kundi si Sarah Abad kung saad bumida sa iba’t ibang palabas at pelikula.Matatandaan din na nakasama niya sina Antoinette at Tom Taus.

Bata pa lamang ay talagang nagpamalas na si Sarah Abad ng galing sa pag-arte. Matatandaan na gumanap siya bilang anak sa mga pelikulang “Kung Ako’y Iiwan Mo” na pinagbitahan ni Gabby Concepcion at Lorna at sa pelikulang ” Kung Mawawala Ka Pa” na kasama niya ang mga batikan na aktor na sina Christopher De Leon at Dawn Zalueta. Dito ay gumanap siya na batang may sakit.

Dagdag pa dito, nakasama din ni Sarah sa pelikula sila Vic Sotto at Phillip Salvador sa isang comedy movie na ” Tunay Na Kaibigan Walang Iwanan… Peksman!” at sa mga nakalipas na taon ay iniwanan na nga ni Sarah Abad ang mundo ng showbiz matapos na magkaroon ng sariling pamilya.

Ikinasal si Sarah Abad kay Jay Contreras na sikat na vaocalist “band” na kamikazee. Ngunit,makalipas lang ng labing isang taon na pagsasama ay kinumpirma ng dalawa na sila ay hiwalay na noong Marso 2020.

Matatandaan na naging viral pa si Sarah sa social media matapos magsuot ng gown sa sementeryo para sa kanila prenup shoot. Ga’nun pa man ay unti-unti na ulit bumabalik si Sarah sa lime light at hindi alam nang nakakarami na si Sarah Abad ay ang nakakabatang kapatid ni Kaye Abad.

Mother of 2 na ngayon si Sarah nila Kidlat Caio at Isla Euan at sa kabila ng kanilang paghihiwalay ng dating asawa na si Jay Contreras nagagawa pa rin nila ang responsibilidad nila bilang isang mga magulang.

Hindi maitatangi ang pagkahilig ngayon ni Sarah Abad sa body art tattoo. Mapapansin sa kanyang magandang hubog na katawan ang pagmamahal niya sa art at ang pagkuha nga iba’ibang larawan o photography art.

May mga pelikula na kung saan una siya ulit nakita kahaya ng palabas niya kasama si Erich Gonzales ” We will not die tonight” , ” Bloody Crayons” at ” Histiographika Errata”.

Mapapansin naman sa social media ng aktres kung saan proud siya sa kanyang pagka” rockers”! at siyempre hindi din papatalo ang mga tattoed sa katawan ni Sarah kung saan ipinapakita niya ang pagmamahal sa art.

Sinong mag-aakala na sa kabila ng maamong mukha ni Sarah Abad ay isa palang tattoo canvass ang kanyang sexy na katawan.

Pokwang! Napaiyak Matapos Maalala ang Pagkawala ng Limang Taong Gulang Na Anak.

Silipin! Pinakamalinis na palengke sa buong Pilipinas natagpuan na!