in ,

Pagiging matulungin ni ‘Mang Boy’ isiniwalat ng isa sa kanyang mga kapitbahay!

Lingid sa kaalaman ng marami, mabait at matulungin din pala ang viral ngayon na retired poIiceman na si Mang Boy.

Nitong nakaraan lamang, trending sa social media ang pangalang ‘Mang Boy’. Ito ay matapos kumalat ang video kung saan makikitang galit na galit siya.

May hawak pa itong it4k habang kaalitan niya ang kanilang kapitbahay na nag-iinuman noong pagpasok ng bagong taon.

Simula mag-viral ang nasabing video, marami na ang nanghusga kay ‘Mang Boy’, samu’t-saring memes na din ang naglabasan tungkol sa kanya.

Mayroong tinawag siyang s4murai king, the speaker kiIIer, siga, at sinabihang KJ daw ito sa mga nagkakasiyahan. Umabot na nga din sa programa ni Raffy Tulfo ang viral video.

Ngunit sa gitna ng pagiging viral ni Mang Boy dahil sa pangyayaring iyon. Isang netizen naman ang ibinida ang kabaitan ni Mang Boy.

Sa Facebook post ni Ferl Geronimo, ibinahagi niya ang mga larawan at video kung saan makikita ang kawang-gawa ni Mang Boy sa kanilang komunidad.

Ani Ferl sa kanyang post, “Bakit Hindi Ito ang Naging Viral ? Di na Nakuhanan ng mga video, picture yung iba mo pang Ginagawang pag kakawang gawa noon Mang Boy. Grabe Pag mamahal Mo sa Mga Kapit Bahay mo Alam na alam nila yan Imbes na Mag celebrate ka tuwing Birthday mo kumukuha ka ng barbero para may pa libreng gupit sa ka lugar mo may pa tsinelas ka pa. Dahil ayaw na ayaw niyo ng may mga naka paa. Itong nag daang Pand3mic imbes na isave niyo yung pera niyo ginagawa niyong mag asawa namimili para lamang may ma.ipamahagi sa mga kapit bahay. Yan Pala yung Pinag tatawanan, ginawan ng Memes may mga Parody Pa.”

Ayon nga sa kasabihan kahit gaano kadami ang tamang nagawa, sa isang pagkakamali lang ay burado itong lahat.

Sikat na aktres sumobra ang kapayatan! Dahil nga ba sa hiwalayan nila ng kanyang nobyo?

Child actress na si Xia Vigor heredera pala ng 14 na bahay ng kanyang ama sa England!