in ,

Toni Fowler ipinasilip ang kanilang bagong tahanan na tinawag niyang ‘Toro De Palacio’

Bagong taon, bagong bahay!

Iyan ang ibinida ng vlogger na si Toni Fowler sa kanyang latest vlog for this year. Kung saan nagpa-house tour siya sa bagong bahay ng kanilang pamilya.

Tinawag niya itong “Toro de Palacio,” ang mala-mansyong bahay ay may malawak na garahe sa harapan nito at mayroon ding grand staircase.

“Feeling ko papayat ako dito kasi nga ang haba ng hagdan. Ilan pa lang iyan hinihingal agad si Mommy Oni,” biro pa ng vlogger.

Mayroong tatlong naglalakihang bedrooms ang kanilang bahay, meron din Maid’s quarter. Isang indoor pool at higit sa lahat isang spacious backyard.

Bahagya pang inikot ni Toni ang loob ng bahay na mayroong malawak na sala.Ngunit nais umano niya itong gawing dance studio.

Isa sa pinaka nae-excite si Toni ay sa malawak na dining area ng bahay. Dahil aniya magkakasabay-sabay na silang kumain ng kanyang pamilya.

 

Kuwento pa niya, hirap silang magsama-sama sa pagkain sa kanilang condo dahil limitado lamang ang espasyo na mayroon sila doon.

“Kasi sa Toro condo, ang ganap naming doon, batch by batch, ganoon ganap. Kasi hindi kami kasya sa isang batch na kain.

“May nakatayo pero minsan pinipilit namin, meron nakaupo, may nasa lapag, may nasa kusina.

“Alam mo iyon, siyempre mas masaya yung sabay-sabay kaming kumakain. Nararamdaman ko ito ang magiging bonding ng aking pamilya, ng Toro family, kasi lagi naman kaming nagba-bonding kapag kumakain.

“Minsan sa sobrang busy namin, kapag kumakain kami doon na lang talaga kami nakakapag-bonding,” saad ni Toni.

Malaking ginhawa rin umano sa kanila na may malaki na silang bahay dail mas makakagalaw na ang mga kasamang bata at maging mga alagang aso.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Ellen Adarna nawawala ang focus pag nakikita ang aktor na si Patrick Garcia

Piolo Pascual umamin na tungkol sa totoong namamagitan sa kanila ni Shaina Magdayao