in

Sikat na aktres sumobra ang kapayatan! Dahil nga ba sa hiwalayan nila ng kanyang nobyo?

Nagulat ang netizen sa pasabog ng kilalang aktres na si Rhian Ramos matapos kumalat ang kanyang larawan sa social media. Kapasin-pasin ang malaking pagbabago ng kanyang katawan na tila’y labis na lamang ang kanyang pagkapayat na para bang buto’t balat na lamang.

Sa isang panayam, taas noong inamin ng aktres ang totoong dahilan, ayon sa bali-balita nagkaroon ito ng eating disorder na naging sanhi ng kanyang pagkapayat.

Aniya, “Of course not! Pag nakatingin ako sa salamim alam ko, nakikita ko ano yung itsura ko.”

Dagdag pa nito, “It’s not like I’m trying to lose weight because I feel big, kasi iniisip talaga ng tao na nag da-diet ako, nag cardio ako para pumayat ng ganito. Yung totoo lang talaga, it’s out of stress.”

Isa sa dahilan ng stress ni Rhian ay ang paghihiwalay nila ng Israeli long-time partner na si Amit Borsok. Nang dahil sa paghihiwalay  unti-unting sobrang nasaktan ang aktres at doon na nagsimula ang pag kawalang gana nito sa lahat. Naging apektado rin dito ang kanyang life style na kung saan bumaba ang kanyang timbang ng 15 pounds.

Naging mahirap at masakit para kay Rhian ang kanilang paghihiwalay umabot pa nga sa puntong nagkukulong sa kwarto at nakahiga lamang. Nabanggit din nito na walang araw na hindi siya nakakatulog ng maayos miski ang masarap pagkain  ay para sa kanya ay hindi ito nakakagana.

Naging mahirap para kay Rhian ang pag mo’move-on dahil labis siyang apektado, nabanggit niya din niya na ito ang relasyon labis na nagpapahirap sa kanya  dahil sa mga dating kasintahan naman raw pagkatapos ng hiwalayan ay lalabas lamang siya kasama ang mga kaibigan at maghahanap ng distraction.

Sa maraming tagahanga na concern na kalusugan ng aktres ay labis siyang nagpapasalamat at sinisigurado niyang inaalagaan ang kanya sarili pati narin ang kanyang career. Kung dati ay wala siyang gana kumain ngayo’y bumalik na ang sigla kumakain na siya ng tatlong beses sa isang araw at ang pinakamaganda pa rito ay umaattend si Rhian sa isang bible study na nakatulong sa kanya upang maka recover.

Sa pagiging positibo, para kay Rhian ay magiging maayos din ang lahat. Samantala, hindi na binanggit ng aktres ang dahilan kung bakit sila nag hiwalay ng kasintahan.

Maxene Magalona napapabalitang hiwalay na diumano sa kanyang asawa na si Rob Mananquil

Child actress na si Xia Vigor heredera pala ng 14 na bahay ng kanyang ama sa England!