in

Piolo Pascual umamin na tungkol sa totoong namamagitan sa kanila ni Shaina Magdayao

Nagsalita na si Piolo Pascual ukol sa mga nagviral na larawan nila ni Shaina Magdayao na magkasama sa isang bakasyon.

Last year ay naging usap-usapan sa social media ang mga litrato nina Piolo at Shaina. Kung saan makikita ang kakaibang sweetness nila sa isa’t-isa.

May mga kuhang magka-holding hands sila, magkayakap, at may kuha pa na nakasandal sila sa isa’t-isa. Sa mga kuhang larawan ay makikitang kasama rin nila ang real-life couple na sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.

Kaya naman sa isang panayam ay natanong si Piolo ukol sa real score nila ni Shaina.

Sagot naman dito ng aktor, “I think things got a little out of hand because of some photos that went around.”

“It’s just the same. I guess it’s better not to talk about it. Let it just d1e down because it’s been how many years, and we always say the same thing.

“I guess, for now, wala… yun na iyon. What you see is what you get, as simple as that.”

Matagal na ring nauugnay sa isa’t isa sina Piolo at Shaina subalit wala silang direktang pag-amin kung sila na ba talaga.

Matatandaang noong 2017, inamin ni Piolo noon na exclusively dating na sila ni Shaina.

Sa hiwalay na interview naman kay Shaina, kinumpirma niyang “very present” sa buhay niya si Piolo at nagkikita sila nang madalas.

Pero nilinaw ng aktres na walang commitment sa pagitan nila ni Piolo.

Kung sakaling totoo man na may relasyon na sila more than dating, wala namang masama dahil pareho naman silang single.

Toni Fowler ipinasilip ang kanilang bagong tahanan na tinawag niyang ‘Toro De Palacio’

Dating PBB housemate ginulat ang lahat sa itsura niya ngayon!