in

Maxene Magalona napapabalitang hiwalay na diumano sa kanyang asawa na si Rob Mananquil

Usap-usapan ngayon ng mga Marites kung hiwalay na nga ba si Maxene Magalona sa mister nyang si Rob Mananquil.

Ito kaugnay ng biglang pag-unfollow ni Maxene kay Rob sa Instagram. Bukod dito, napansin din umano ng mga Marites na hindi na nakalagay ang apelyidong Mananquil sa IG account ni Maxene.

Dagdag pa umano sa tsismis ang kalungkutan sa huling social media post ni Maxene.

“Booking this trip as a gift to myself was definitely the best way I could honor my sad soul,” saad sa isang post ng aktres. “I knew I wasn’t feeling my best during the holidays so instead of sulking at home, I thought — why not cry in Boracay and allow the ocean to absorb my tears?”

Hindi tinantanan ng netizens sa pagtatanong si Maxene. Pero ang aktres, hindi nagpatalo at sinupalpal ang mga Marites.

Saad nito, hindi tamang magtanong sa isang tao ng tungkol sa personal na buhay nito kahit na kilala mo pa ito. Mas mabuti aniyang hintayin mo na sila mismo ang mag-open up.

“It is not polite to ask people about their personal lives especially when you don’t know them personally. And even if you DO know them, you should give them space and wait for them to open up to you instead of prying and wanting to invade their privacy,” aniya. “Don’t come to my page for gossip.”

Mapapansin din sa naturang post ni Maxene na nais niyang isikreto ang pinagdaraanan at hindi na ito isapubliko pa.

Pero sa gitna naman ng balitang ito ay nagbahagi ng larawan si Maxene. Na kasama niya sa isang date ang kanyang mga in-laws.

Sina Maxene at Rob ay ikinasal noong 2018.

Dating PBB housemate ginulat ang lahat sa itsura niya ngayon!

Sikat na aktres sumobra ang kapayatan! Dahil nga ba sa hiwalayan nila ng kanyang nobyo?