in ,

Dra.Vicky Belo,Ikinuwento ang masalimuot na dahilan kung bakit ayaw niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Kilala sa industriya ng showbiz ang isa sa pinaka sikat na doktor sa Pilipinas na si Dra.Vicky Belo. Bagama’t hindi umaarte sa telebisyon, kilala si Dra. Vicky Belo sa larangan ng pagpapaganda. At kilala din si Dra. Vicky Belo bilang isang doktor ng mga sikat na artista, modelo at ilang personalidad na tao  sa bansa. Dahil sa aking galing at talino ni Dra.Belo hindi nakakapagtaka na makamit niya ang rurok ng tagumpay ng kanyang career.

Bukod sa kanyang matagumpay na buhay ngayon sa kanyang career at negosyo, masasabing pinagpala talaga si Dra.Vicky Belo dahil biniyayaan siya ng napaka gwapo, mabait at mapagmahal na asawa na si Dr.Hayden Kho at nakapaganda at talinong anak na si Scarlet Snow. Ngunit sa kabila ng ngiti at tawa sa mukha ni Dra.Vicky Belo alam niyo bang may itinatago itong matinding lungkot sa kanyang buhay?

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz, ikinuwento ni doktora ang dahilan kung bakit ayaw niyang nakakarinig ng pagbati sa kanyang kaarawan.

Aniya, masalimuot ang kanyang naging karanasan sa kanyang kaarawan dahil bagong silang pa lamang siya noon ng siya ay ipamigay ng kanyang sariling ina sa kanyang tiyang kung saan ito ang tumayong ina niya.

” Nung pinanganak ako. never akong hinawakan ng nanay ko. So in my head, it was not a happy …. parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na. So when I think of that, since I have so many issues about adoption, about not being enough, about not being lovable, I thought, I don’t like to be greeted,”pahayag ni Dra.Belo.

Sa loob ng anim na pu’t limang taon ng kanyang buhay ay never nakasama ni Dra.Vicky Belo ang kanyang ina. Kaya naman ito rin ang dahilang kung bakit ayaw niyang ipag-diwang ang kanyang kaarawan dahil para sa kanya ito din ang araw na ipinamigay siya ng kanyang sariling ina sa iba.

Ga’nun pa man, pinatawad na ni Dra.Vicky Belo ang kanyang mga biological parents sa kabila ng malungkot na karanasan ng kanyang buhay pero malaki ang pasasalamat ni Dra.Belo sa kanyang mga adopted parents na kung saan minahal at pinalaki siya ng maayos.

Remember Antoinette Taus? Pinahanga muli ang mga netizens dahil sa tila di tumatandang itsura nito

Ellen Adarna nawawala ang focus pag nakikita ang aktor na si Patrick Garcia