in , , ,

One True Love! Nahanap ng Isang Lalake ang Kanyang Tunay na Pagibig sa Kabila ng kanyang Kakaibang Itsura.

Minsan ang pagiging iba sa lahat ay hindi nagiging hadlang sa kung anuman ang pwede nating marating o makamit sa buhay. Hindi rin ito laging batayan kung anong pagkatao meron tayo. Minsan kung sino pa ang kakaiba sila pa ang masasabi nating nagpapakatao. At higit sa lahat,hindi rin ito nagiging hadlang upang mahanap natin ang tunay na magmamahal sa atin,

Lahat ng tao ay pangarap na makita ang tunay na magmamahal sa atin kaya naman hindi hadlang ang itsura o estado sa buhay upang makamit natin ang pangarap na ito.

Katulad na lang ng istorya ng isang lalake na may kakaibang itsura na naka tagpo ng tunay na magmamahal sa kabila ng kanyang ibang itsura. Ating alamin ang kwento ng buhay ni Zingzonng na isang skateboarder sa Cebu. Siya ay may kakaibang sakit or rare cases na tinatawag kung saan nag-iiba ang kanyang itsura kumpara sa normal na itsura ng tao.

Ang kanyang karamdaman ay isa sa mga rare cases kung saan nade-deformed ang kanyang mukha at hindi well-developed ang kanyang katawan. Hindi pa rin masabi ng mga eksperto kung paano at saan ang sanhi ng sakit na ganito.

Si Zingzong ang mahilig mag skateboarding, dahil sa kanyang husay at galing dito eh marami ang humanga sa kanyang angking galing. Kaya naman, ang isa sa kanyang kaibigan na isang professional skateboarder ang nagpakilala sa kanya sa mundo ng social media.

Dahil marami ang humahanga sa kanyang mga stunts dahil sa kanyang mga pino-post sa social media hindi inakala ni Zingzong na dito niya matatagpuan ang babaeng tatanggapin at mamahalin siya ng tunay.

Sa kanyang instagram account, buong pagmamalaking ibinahagi ni Zingzong ang isang larawan kung saan makikita na kasama niya ang isang babae at bata na may caption na ” Family Picture”.

Tunay ngang mahiwaga ang pagibig dahil sa kabila ng kanyang itsura ay nahanap pa rin ni Zingzong ang kanyang One True Love!. Makikita din na proud ang kanyang nobya sa larawan at masaya na kasama siya.

Dahil dito, maraming netizens ang natuwa sa kanyang girlfriend na makikita na proud sa kanya. Aniya, sobrang proud at at supportive nito sa kanya lalong-lalo na sa pag abot ng kanyang pangarap.

Tricycle Driver Jackpot! matapos makapangasawa ng isang napaka gandang dayuhan!

Matapos ang pag laylow, Rudy Baldwin, naglabas nang kanyang prediksyon para sa taong 2022