in , ,

Napakagandang Kargador Girl Trending Ngayon sa social media!

Sa hirap ng buhay ngayon, talaga naman lahat ay hahamakin natin maka kuha lang ng maayos na trabaho. Sipag, tiyaga at determinasyon ang kailangan upang tayo ay umunlad sa buhay. Dahil dito, walang lalake o babae sa anumang klase ng trabaho basta ito ay marangal. Katulad na lang ng isang babae na trending ngayon sa social media kung saan ay mamamangha ka sa klase ng trabaho niya. Siya ay walang iba kundi si Ms. Kargador Girl kung saan trending ngayon dahil sa aking kagandahan niya na tila isang artista at modelo sa itsura.

Si Zhua Qianpei isang full-time kargador mula sa Hong Kong. Dahil sa uri ng kanyang trabaho, marami ang namangha at napa bilib sa pagiging kargador niya. Dahil dito, maraming netizens ang nagsasabi na hindi raw bagay sa kanya ang trabaho niya dahil na rin sa kanyang kagandahan niya na pwedeng maging artista.

Sa isang shop sa Hong Kong nag tatrabaho si Zhua bilang isang kargador. Kaya naman tuwing siya ay nagtatrabaho at maraming tao ang nakakakita sa kanyang pagbubuhat, maraming netizens ang ayaw maniwala o hindi makapaniwala sa trabaho niya.  Dahil dito, maraming netizens ang nag papapiktur sa kanya na tila isa siyang celebrity dahil sa kanyang kagandahan.

Sinong magsasabi na isang dekada na pala siya sa kanyang trabaho bilang isang kargador girl at mukha naman nag-eenjoy si Zhua sa kanyang trabaho dahil aniya ay para na rin daw itong exercise sa kanya ang pagbubuhat. Ga’nun pa man, hindi pa rin madali para kay Zhua ang kanyang trabaho lalo’l babae siya. Pero dahil sa laki ng sahod na kanyang nakukuha talaga naman pinagsusumikapan ni Zhua ang kanyang trabaho.

Sinong mag-aakala na sa ganitong klase ng trabaho ay kumikita siya ng php 86,000 hanggang php 125, 000! oh di ba! talagang mapapa SANA ALL ka sa kanyang kinikita. Bukod pa diyan, naka depende pa sa bigat ang kanyang binubuhat. Kaya naman, kahit sino eh talagang papasukin ang ganitong klase ng trabaho mapa babae man o lalake.

Pero para kay Zhua,hindi naman life-time itong trabaho na ito para sa kanya.Kaya naman, gusto niyang kumuha ng isang delivery truck para sa kanyang negosyo. Dagdag pa niya, hindi habang buhay ay malakas siya,na kaya niyang magbuhat at maging isang kargador.

Ano ang masasabi mo dito? Kaya naman Like and Share your comments down below!

Mga nag-gagandahang anak ni Nadia Montenegro; Kilalanin!

Tricycle Driver Jackpot! matapos makapangasawa ng isang napaka gandang dayuhan!