in

Mga nag-gagandahang anak ni Nadia Montenegro; Kilalanin!

Kilala bilang isang beteranang aktres si Ms. Nadia Montenegro sa madaming pelikulang kanyang ginawa at sa ibang shows nito.

Si Nadia Montenegro ay biniyayaan ng walong anak at pito dito ay puro babae. Bilang isang ina, masasabing pinagpala si Nadia dahil sa aking talino at ganda na mukhang na mana sa kanya ng kanyang mga anak.

Magkakaiba man sila ng hilig, talento at itsura masasabi naman napalaki niya ito na mapagmahal sa isa’t isa katulad na lang ng pagmamahal niya sa mga ito. Kaya naman, ating kilalanin ang pitong prinsesa sa buhay ni Ms. Nadia Montenegro.

Alyysa Asistio

Siya ang pinakamatandang anak na babae ni Nadia. Masasabi ngang beauty and brain ang anak niya na ito dahil sa napabalitang naka pagtapos ito sa kursong Dentistriya sa Centro Escolar University.

Sumunod naman ay si Allynna Asistio o mas kilala bilang ” Ynna Asistio”. Si Ynna ay ipinanganak noon 1991 at sumikat bilang isang kapuso aktres sa palabas na ” La Vendetta”, Mga mata ni Angelita, at Who’s Your Daddy Now?”. Ngayon ay isa na siyang kapamilya aktres kung saan makikita at mapapanood siya sa “Maalaala Mo Kaya at ” Minute to win it.”

Ang pangatlo naman ay si Alyana o mas kilala bilang “Yana Asistio”. Isang Kapuso star si Yana Asistio pero ga’nun pa man nabigyan siya ng role sa mga pelikulang ” She’s Dating a Gangster” noong 2014, “Everyday I Love You” noong 2015 at ” Mama’s Girl” noong 2018

Pang-apat naman na anak na babae ni Nadia ay si Anykka Asistio kung saan ang pangarap naman niya ay isang maging abogado.

Samantha Asistio , ang aspiring singer sa anak ni Nadia na minsan ng sumali sa blind auditions ng The Voice Philippines sa ABS-CBN.

Ayisha Asistio, katulad ng ibang kabataan ngayon na nahuhumaling sa mga Kpop group isa si Ayisha sa mga fan na ito lalong-lalo na sa sikat na boy group na BTS.

Sophia Asistio, bunsong anak ni Nadia na isa din sa nakahiligan ay ang Kpop group. Sa lahat ng anak na babae ni Nadia si Sophia ang madalas nyang tawagin na ” mature and brave”.

Masasabi ngang isang Dakilang Ina si Nadia Montenegro sa kanyang mga anak katulad na lang ng mga role na ginampanan niya sa kaniyang mga pelikula.

Sugar Mercado nagsalita na tungkol sa tunay na ugnayan nila ni Willie Revillame

Napakagandang Kargador Girl Trending Ngayon sa social media!