in

Sugar Mercado nagsalita na tungkol sa tunay na ugnayan nila ni Willie Revillame

Nagbigay na ng kanyang pahayag si Sugar Mercado ukol sa balitang may relasyon diumano sila ni Willie Revillame.

Pinabulaanan ng dancer-host na si Sugar ang isyu na may relasyon sila ng Wowowin host na si Willie. Wala umanong kaalam-alam si Sugar na mayroon palang ganung intriga na kumakalat.

Ayon pa kay Sugar parang kuya o tatay na niya si Willie at sobrang bait, mapagmahal, at matulungin daw talaga ito.

Aniya, “Hindi, kasi hindi ko ma-imagine na natsitsismis sa kanya. Para ko nang tatay iyon, para siyang tatay sa lahat, kuya siya ng lahat.

“So, mao-open mo sa kanya lahat, tsaka sobrang bait niya.

“Ako, kahit anong mangyari sa future or what, ipagdadasal ko siya lagi, araw-araw, na humaba pa yung buhay niya dahil sobrang ang dami pa niyang matutulungan na taong salat sa buhay tsaka gusto ng pag-asa.”

Ipinagdarasal pa nga ni Sugar na sana’y magkaroon ito ng lovelife. Hinihiling nila na sana dumating na yung right one na magmamahal ng totoo kay Willie at mag-aalaga sa kanya.

“Wish naman nating lahat sa kanya, dahil sobrang buti ng puso niya, e, may isang taong magmamahal sa kanya nang totoo at mag-aalaga sa kanya in the future.

“Iyon lang iyung prayers ko sa kanya, at sana tayo ring lahat.”

Iginiit din niya na ang relasyon niya kay Willie ay bilang boss at kaibigan niya. Natawa na lamang siya sa isyung ito at sana’y itigil na umano ang paggawa ng tsismis na wala namang katotohanan.

Baby no.4: Iya Villania buntis! Reaksyon ni Kuya Kim at Gretchen Ho alamin!

Mga nag-gagandahang anak ni Nadia Montenegro; Kilalanin!