in

Derek Ramsay inilarawan kung anong klaseng ama si John Lloyd Cruz kay Elias Modesto

Hindi natuwa si Derek Ramsay sa mga netizen na ikinukumpara ang pagiging ama niya kay John Lloyd Cruz.

Kamakailan lang ay nagdiwang ng ikatlong kaarawan ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Magkahiwalay na nagcelebrate ang dalawa pero parehas na spider man themed ang party na kanilang inihanda para kay Elias.

At bilang fiancée ni Ellen, binati ni Derek Ramsay si Elias sa pamamagitan ng pagpost ng litrato nilang dalawa sa Instagram.

“Happy birthday babiguling!! Love ya buddy!!” saad ni Derek sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Maraming netizens naman ang natuwa sa kanilang litrato, at nagbigay ng pagbati sa kaarawan ni Baby Elias.

Ngunit may ilang komento ang pumukaw sa atensyon ni Derek. Ito ay nang may netizens na kumwestyon tungkol sa pagiging ama ni John Lloyd kay baby Elias.

“Buti nlng may Step dad tagapag alaga sa anakshie ni JL. Good job dadz Derek… Kampay Say thank you Loydie hhha,” komento ng isang netizen.

Agad naman itong sinagot ni Derek at dinepensahan si John Lloyd. Saad ng aktor, “Bro that’s not nice. Jl is a good father to Elias.”

Isa pang komento ang hindi din pinalagpas ng Kapuso actor ito ay nang sabihin ng nasabing basher na inagaw na niya lahat kay John Lloyd.

“Maging considerate kn man sa feelings ni jlc.. na sau na nga c ellen pati ba nmn c elias” saad ng nasabing netizen.

Mahinahong sagot naman ni Derek dito, “Sorry but that’s such an awful thing to say. Jl and and I have no issues. He is a great father to Elias and I am not trying to replace him as the father of Elias. Ellen is my fiancé and I love both of them very much”

Anak ni Jose Manalo na si Benj Manalo May Ibinunyag na Ikinagulat ng Marami.

Melai Cantiveros! Takaw pansin ang blooming look ngayon sa Social Media!