in

Anak ni Jose Manalo na si Benj Manalo May Ibinunyag na Ikinagulat ng Marami.

Bukod sa pagiging panagalawang anak ng kumedyanteng si  Jose Manaio, Si Benj Manalo o Banjamin Manalo ay isang kilalang aktor at dancer sa Philippine showbiz industry.

Siya ay nakilala pa ng publiko para sa kaniyang role bilang Pinggoy sa  top-rated prime time series FPJ’s Ang Probinsyano. May mga pelikula at palabas na din ginanapan si Benj Manalo, ‘On the Wings of Love’, ‘The Story of Us’, ‘My Super D’, at Kadenang Ginto’.

Sa kaniyang panayam sa Cabinet Files, ibinunyag ni Benjamin na kailanman ay hindi sila tinulungan magkakapatid ng kanilang ama na si Jose Manalo para makapasok sa showbiz industry dahil nais nitong matuto sila ng sarili nila at makuha ang gusto nila ng talagang pinaghihirapan.

Ayon kay Benj, noong sumali siya sa Reality Tv show ng GMA Kapuso na StarStruck napagdisisyunan umano niyang huwag ipaalam sa kanyang pamilya ang pagsali dito at laking gulat na lamang ng kanyang pamilya ng dumating sa kanilang bahay ang staff ng nasabing show. Noong una ay inakala pa nga daw nito na iyon ang sundo niya ngunit laking gulat nito na si Benj pala ang hinahanap ng mga staff.

Isang malaking accomplishment para kay Benj na makasalu sa StarStruck dahil sa kanyang pagsusumikap at hindi umasa sa pangalan ng kanyang ama sa showbiz.

Nang tanungin kung naisip na din daw ba ni Benj na gamitin ang impluwensiya ng kaniyang ama, sagot niya

“To be honest, siguro mga bandang ano, nung nagtrabaho ako ng call center, noong after ko mag ano, mag StarStruck, nagtrabaho ako sa call center tapos nagsa-salesman ako sa mga department store.”

“Humihingi na ako ng tulong sa kaniya noon before, pero lagi niyang sinasabi ‘Eh kung gusto mo talaga, gapangin mo mag isa’.” dagdag pa ni Benj.

Ayon kay Benj, ang sinabi ng kanyang ama na ito ay nagmotivate at nagpush pa sa kanya lalo upang makamit niya ang kanyang pangarap na makapasok sa showbiz, hindi naman daw sumama ang kanyang loob o nagtampo sa kanyang ama dahil sa sinabi, dahil malaki ang naitulong nito sa kanya kaya malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang ama.

Aniya,”Siguro not financially nya ako tinutulungan, or connection wise. Pero tinutulungan niya ako in terms of wisdom. So mas chine-cherish ko yun sa dad ko na kung hindi niya ginawa sa’kin yon, hindi ko maiintindihan o kung paano ako maglalaro sa industriya…”

Narito ang video ng interview kay Benj at panoorin.

Asawa ng Dating Aktor na si Alfred Vargas na si “Yasmin” Naging Viral Ulit sa Social Media Dahil sa Bagay na ito?

Derek Ramsay inilarawan kung anong klaseng ama si John Lloyd Cruz kay Elias Modesto